^

Punto Mo

EDITORYAL - P724-M grant mula sa South Korea

Pang-masa

HUMINGI ang Department of Finance (DOF) ng P724 million grant mula sa South Korea para palakasin ang healthcare services sa mga komunidad sa Luzon. Ayon sa DOF, 28 milyong Pilipino sa Ilocos Norte, Batangas, Pampanga at Bataan ang maaaring makinabang sa healthcare services.

Napakagandang balita ito, lalo na dahil grant ang pondo at hindi kailangang bayaran ng Pilipinas.

Pero mas mahalaga kaysa sa halaga ng tulong ang tanong: mapapadali ba talaga nito ang pagpapagamot ng ordinaryong Pilipino?

Gagamitin ang pondo para palakasin ang Bagong Urgent Care and Ambulatory Services o BUCAS Centers, kabilang ang mas maayos na laboratory testing para sa tuberculosis, influenza surveillance at training ng laboratory personnel.

Mahalaga ang ganitong serbisyo dahil hindi lahat ng pasyente ay kailangang pumunta agad sa malalaking ospital.

Ang BUCAS Centers ay ginawa upang magbigay ng laboratory tests, minor procedures at iba pang out­patient services nang hindi kinakailangang ma-admit ang pasyente.

Layunin din nitong mabawasan ang siksikan sa ter­tiary hospitals.

Ito ang direksiyong dapat palakasin: healthcare na mas malapit sa komunidad, bago pa lumala ang sakit at bago pa mapilitang pumila ang pasyente sa ospital.

Karaniwan nang makikita ngayon ang mga naka­pilang pasyente sa Philippine General Hospital at iba pang pampublikong ospital para sila magamot. Marami sa kanila ay sa lobby na natutulog para lamang ma­kasama sa pila. Nakalulungkot na nagdadala sila ng pangsapin na karton o diyaryo para may mahigaan habang nakapila.

Sa mahalagang isyung ito na paghingi ng foreign grants, hindi naman dapat umasa na lamang dito ang Pilipinas sa habampanahon. Kapag naitayo o na-up­grade na ang laboratoryo, kailangan pa rin ng trained personnel, regular na supplies, maintenance ng equip­ment at sapat na local budget upang tuluy-tuloy ang serbisyo.

Mahigit 60 BUCAS Centers na ang naitatag at mahigit 1.6 milyong Pilipino na ang napagsilbihan ng mga ito.

Ang hamon ngayon ay gawing mas malawak at mas matatag ang ganitong sistema.

Magandang simula ang P724 milyong grant.

Pero ang tunay na tagumpay ay kapag hindi na kaila­ngang bumiyahe nang malayo, pumila nang maghapon o hintaying lumala ang sakit bago makakuha nang maayos na serbisyo. Ang healthcare ay dapat inilalapit sa mga tao, hindi ang mga tao ang laging naghahabol sa healthcare. Serbisyo publiko ito.

DEPARTMENT OF FINANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with