^

Punto Mo

Mayang (179)

Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

NAWAWALA si Lolo Nado ayon kay Mulong na helper nila sa damitan sa Pinamalayan Public Market. Ayon kay Mulong, inaayos niya ang mga bagong ­deliver na damit nang mapansin na wala na si Lolo Nado. Hinanap daw ni Mulong sa paligid pero wala ito.

Sinisi ni Mayang ang sarili kung bakit hindi agad nakapunta sa puwesto ng damitan sa palengke. Si Lolo Nado kasi ang nagpresenta na laging magbubukas ng stall. Kanina ay napasarap ang kuwentuhan nila ni Jeff kaya nalimutan na si Lolo Nado nga lang pala ang tumatao sa stall ng damit.

Sabi ni Jeff, malaki ang kutob niya na nasa public cemetery sa Socorro si Lolo Nado at dinadalaw ang puntod ni Lola Encar.

Mula kasi nang maospital si Lolo Nado dahil sa injury na natamo nito sa pakikipaglaban sa tauhan nina Henry at Puri ay hindi na ito nakadalaw sa puntod ng mahal na asawa.

Laging sinasabi ni Lolo Nado na kapag magaling na magaling na siya ay dadalawin niya ang puntod ni Lola Encar. Pinalagyan nina Jeff at Mayang ng bubong at pader ang puntod ni Lola Encar noong nakaraang taon. ­Pinangako nila iyon kay Lolo Nado. Dahil may bubong na yero at dingding na hollow block at sementado ang flooring, nagmistulang maliit na musuleo ang libingan ni Lola Encar. Sa paligid ay tinaniman ni Lolo Nado ng namumulaklak na halaman.

Agad tinungo nina Jeff at Mayang ang public cemetery sa Socorro. Tiyak nilang naroon si Lolo Nado. Nagtraysikel sila sa pagtungo roon.

Habang papasok ang traysikel sa sementeryo ay kinabahan si Mayang. Bakit malakas ang kaba ng dibdib niya? Bakit pinagpapawisan siya gayung malamig ang simoy ng hangin?

Hanggang matanaw nila ang musuleo ni Lola Encar.

Habang papalapit ay lalong lumalakas ang kaba ni Mayang.

“Bakit kinakabahan ako, Jeff?”

“Anong iniisip mo Mayang?’’

“Parang may nangyari!” (Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with