^

Punto Mo

ISAV: Anti-crime project ng QCPD, patok!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

KAPAG may pending case ka sa Quezon City, tiyak hahaba ang “bakasyon” mo sa selda. Mahigpit kasing pinapatupad ni QCPD director Col. Bong Buslig ang programa ng Philippine National Police na Crime Information, Reporting and Analysis System, e-Rogue at e-Warrants kaya ang mga kriminal at drug addicts ay hindi makalalaya kaagad.

Ang sama-samang pag-implement ng anti-criminality program na ito ay tinawag ng QCPD director na Investigation Solution Automatic Verification (ISAV) system at maganda naman ang resulta nito mula Marso 1 ng taong ito. Sanamagan!

Ayon kay Col. Randy Glen Silvio, ang QCPD deputy director for administration (DDA), ang target ng ISAV ay ang mga repeat offenders, na minsan ay pinapakawalan dahil nakapag-piyansa.

Subalit kinalaunan o huli na ng napagtanto na may nakabinbin na ibang kaso pala. Get’s n’yo mga kosa? Subalit dahil sa ISAV hindi na mangyayari ‘yan, ani Silvio. Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ganito pala ang sistema ng ISAV mga kosa. Kapag may nahuli ang QCPD na mga ordinaryong kaso tulad ng carnapping, banggaan, robbery, droga at iba pa,  sa 16 police stations at operating units ng pulisya, ipo-forward ang pangalan ng suspects sa database ng PNP sa DIDM.

Kumpleto kasi ang DIDM, sa pamumuno ni Brig. Gen. Matthew Baccay, ng data ng lahat ng booking at mugshots ng mga kriminal o rogue gallery, kaya’t swak sa banga ang lahat ng may kaso. Ano pa nga ba?

Kapag nag-file sila ng kaso laban sa mga suspects, ilalakip ng QCPD ang tinatawag na certification, na nagsasaad na ang suspect ay sangkot o may arrest warrant sa ibang kaso kaya’t hahaba ang pagkakulong nito. Gets n’yo mga kosa?

“Ang certification na binibigay natin pag nag-inquest/regular filing  as part ng documentary evidence to inform the prosecutors handling the case na may pending na kaso ang suspect,” ani Silvio. Hehehe! Kanya kanyang gimik lang ‘yan! Anong sey n’yo mga kosa?

Mula nang isabak ni Buslig ang ISAV, may 1,509 na kaso sa CIRAS, 920 sa e-Rogue at 173 sa e-Warrants ang na-implement ng QCPD. Sa ngayon kasi, ang QCPD at Southern Police District pa lang ang nag-implement ng ISAV sa PNP, dahil si Silvio ay galing SPD.

Ikinuwento pa ni Silvio na noong nasa SPD pa siya, sina Domingo Radam Jr., alias Joy at Jocelyn Ungco, alias MJ ay nais mag-avail ng plea bargaining agreement sa korte. Subalit tinabla ng inquest prosecutor dahil nagsumite ang SPD ng ISAV sa pamamagitan ng Criminal Offender Profiling System na may naka-pending silang kasong droga.

“Kung magagamit ito (ISAV) sa lahat ng PNP units nationwide, mahihirapan ang mga suspects, lalo na ng drugs cases, kapag naaresto kasi malalaman o mabubungkal ang records nila kung repeat offenders sila,” ani Silvio. Anong sey mo rito PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil Sir?

Ipinaliwanag ni Buslig na dahil sa ISAV nagiging airtight ang mga kasong isinasampa ng QCPD sa korte. ‘Ika nga, malaki ang pag-asang ma-convict ang suspect. Mismooooo! Hindi lang ‘yan! Ang mga recidivist na kriminal, lalo na ‘yung sangkot sa droga, ay nawawala sa kalye kaya bumababa ang crime rate nila.

Ayon kay Buslig, minomonitor niya araw-araw ang bilang ng arrested suspects ng station at operating units para maiayos ang mga minor lapses dito. Kung nakakatulog nang mahimbing ang taga-Quezon City, ‘yaon ay dahil sa ISAV ni Buslig. E di wow!

Hindi nagkamali si Quezon City Mayor Joy Belmonte na suportahan ng todo ang liderato ni Buslig. Ayos ba mga kosa?

Abangan!

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->