^

Punto Mo

‘WALIS’ (PART 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MARAMING beses pa akong hinampas ng walis ni Tiya Clems dahil sa aking mga pagkakamali na hindi ko naman talaga sinasadya. Pero hindi niya ako pinakikinggan at sa mga pagkakamali ko, ang walis tingting na nakasabit sa likod ng pinto sa kitchen ang hinahagilap at ubos lakas na inihahampas sa akin. Pakiramdam ko, nasisiyahan si Tiya Clems sa paghampas sa akin. Para bang nakasanayan na niya ang paghampas sa akin. At lalo pa niyang nilalakasan ang paghampas kapag sumisigaw ako sa sakit at pagmamakaawa sa kanya. Mas sumisigaw ako sa sakit, ay mas lalo niyang nilalakasan ang paghampas.

Dahil sa malakas na hampas, halos bumaon ang tingting sa braso ko at binti. Dumudugo ang braso ko at nag-iiwan nang mahahabang peklat sa balat.

Sa tindi ng pahirap na nararanasan, inisip kong lumayas na sa bahay ni Tiya Clems. Subalit natatakot ako. Saan ako pupunta? Baka lumabuy-laboy lang ako at maging taong grasa. Wala pa akong kakayahan.

Ang lahat nang dinaranas ay idinadaan ko na lamang sa iyak. Nagdasal na lamang ako na matapos na ang paghihirap ko.

Isang hapon na papasok ako sa school—magtatapos na ako ng fourth year high school noon—nakasabay ko sa paglalakad ang aming kapitbahay na si Ate Lydia.

“Papasok ka na?” tanong niya.

“Opo Ate.”

“Gusto kitang tulungan.’’

Hindi agad ako nakasagot.

“Alam ko ang pinagdadaanan mo,’’ sabi pa niya.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->