^

Punto Mo

‘Pala’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

AKO ay retiradong engineer mula sa isang sangay ng pamahalaan. Ipinagmamalaki ko na nakarating ako tuktok ng tagumpay dahil sa pagsisikap at pagtitiyaga. Ang lahat ng mga pinapangarap sa buhay ay magkakaroon ng katuparan kung magsisikap at magtitiyaga. Nala­man ko rin na walang “shortcut” sa pagkakamit ng tagumpay—lahat ay nararapat na paghirapan at pagbuhusan ng tiyaga. Ang mga nagnanais ng “shortcut” sa pagtatagumpay ay hindi kailanman uunlad. Magiging panandalian lamang ang nakuha sa “shortcut”.

Nagmula ako sa mahirap na pamilya. Wala kaming sariling lupa. Ang aking ama ay nagpapaupa para mag-araro, magtanim ng palay at mag-ani. Ang aking ina ay tumutulong sa aking ama. Doon umiikot ang aming buhay. Sa ganoong trabaho ng aming mga magulang kami binuhay. Dalawa kaming magkapatid.

Kaya bata pa lamang ako, nakatatak na sa aking isipan ang kahirapan. Kailangang magtrabaho para kumain. Kung hindi magtatrabaho, hindi kakain.

Habang lumalaki, nag-iisip na ako ng paraan kung paano makaalpas sa kahirapan. Kailangang may magawa akong tulong para umangat ang aming buhay.

Isang araw, habang naglalakad ako galing sa school, may nakita akong kalawanging pala sa gilid ng kalsada. Wala nang handle ang pala.

Pinulot ko ang sirang pala.

(Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with