^

Punto Mo

Higanteng goldfish, nahuli sa Pennsylvania!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

ISANG dambuhalang goldfish ang nadiskubre sa Presque Isle State Park, na nagsilbing babala sa mga pet owner na huwag basta pakawalan ang kanilang alaga sa ilog o lawa.

Ayon sa U.S. Fish and Wildlife Service (USFWS), ang mala-”megalodon” na isda ay natagpuan habang nagsasagawa ng survey ang mga eksperto.

Mas malaki pa ito sa kamay ng isang researcher, patunay kung paano lumalaki nang husto ang goldfish kapag napakawalan sa natural na tubig.

Dahil walang natural na kalaban, mabilis silang dumarami at nagiging banta sa mga native na isda.

Bukod sa ninanakaw nila ang pagkain ng ibang isda, pina­papangit din nila ang kalidad ng tubig sa pamamagitan ng pag­halukay sa ilalim ng lawa, na nagiging sanhi ng makakapal na putik.

Pinaalalahanan ng USFWS ang publiko na huwag itong pakawalan sa wild. “Kung hindi mo na kayang alagaan ang iyong goldfish, humanap ng bagong tahanan—huwag itapon sa ilog,” babala ng ahensiya.

Dagdag pa nila, ang maling pag-aalaga sa mga pet fish ay maaaring magresulta sa matinding problema sa ecosystem.

FISH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with