^

Punto Mo

‘Labaha’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

SUBALIT walang nagawa ang aking pagtutol at ang barberong si Nonoy ang pinili ni Inay. Masamang-masama ang loob ko dahil ipinagpalit ni Inay ang aking Itay sa barberong kinaaasaran ko.

Sinuyo ako ni Inay. Maraming sinabi sa akin tungkol kay Nonoy. Mabait daw ito. Hindi palaimik pero mabait. Dalawa raw ang anak ni Nonoy na nasa Maynila at doon nag-aaral. Nakatira raw sa tiyahin.

Pero kahit anong magagandang kuwento ni Inay tungkol kay Nonoy ay hindi ako makumbinsi. Talagang mabigat ang loob ko sa kanya. Inagaw niya si Inay sa aking ama.

Sa aming bahay tumira si Nonoy. Sabi ni Inay, mas maganda kung si Nonoy ang titira sa amin kaysa kami ang lumipat sa bahay nito. Malaki ang bahay ni Nonoy sa may palengke.

Mabuti nga at ganun ang nangyari dahil hindi naman ako papayag na tumira sa bahay ni Nonoy. Kung ipinasya ni Inay na lumipat sa bahay ni Nonoy, hindi ako sasama. Mananatili ako sa aming bahay na pinundar ng aking mahal na ama. Maganda rin naman ang bahay namin dahil ipinagawa iyon noong nagtatrabaho sa munisipyo si Itay. Dating typist si Itay sa munisipyo.

Isang umaga na nag-aalmusal kami kasama si Nonoy ay napansin nito na mahaba ang aking buhok.

“Mahaba na ang buhok mo Paul. Gugupitan kita mamaya sa barbershop,’’ sabi ni Nonoy.

“Oo nga Paul. Pumunta ka sa barbershop ni Tiyo Nonoy mo at nang magupitan ka.’’

“Hindi pa naman mahaba itong buhok ko, Inay.’’

“Mahaba na. Baka pagalitan ka ng guro mo. Lunes pa naman bukas.’’

Nakasimangot ako. Lalo akong nainis kay Nonoy.

“Gagandahan ko ang gupit—clean cut,’’ sabi pa ni Nonoy na parang nang-iinis na hindi ko mawari. (Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with