^

Punto Mo

‘Kuwago’ (last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie Halos - Pang-masa

INALALAYAN akong makatayo ng lalaking katulong sa petshop.

“Huwag ka na pong matakot Mam. Nahuli na ang holdaper,’’ sabi ng kabataan pang lalaki.

“Salamat. Akala ko katapusan ko na. ­Patungo sa akin ang holdaper kanina at babarilin ako. Mabuti at lumipad ang kuwago at binangga ang holdaper. Utang ko sa kuwago ang buhay ko.’’

“Matalino po talaga ang kuwago na iyon, Mam. Nakararamdam ng panganib. Nang patungo na rito ang holdaper ay biglang lumipad palabas at binangga ang holdaper.”

“Nagulat nga ako. Anong klaseng kuwago ba yun at tila may isip?’’

“Barn owl po ang tawag dun. Hindi ko lang po alam kung saan galing na bansa.”

“Imported pala yun.”

“Opo. Bawal ngang itinda pero nakakalusot.’’

“Pero nakalipad na ang kuwago, paano yun?’’

“Babalik po yun dito. May isip nga po yun.’’

“Niligtas ako ng ­kuwagong yun. Puwede ko bang bilhin yun?”

“Kausapin mo po ang may-ari—Chinese-Pilipino po siya. May pinuntahan lang ang may-ari.’’

“Babalikan ko bukas.’’

“Medyo mahal yata yung kuwago na yun Mam.”

“Kahit na mahal—bibilhin ko.’’

“Bumalik ka na lang po bukas.’’

“Pero sure kang babalik ang kuwago.’’

“Opo. May isip po yun.’’

 “Sige. Babalik ako bukas.’’

Bumalik ako kinabukasan pero malungkot na balita ang sumalubong sa akin. Patay na raw ang kuwago. Nang bumangga ito sa holdaper, nasugatan at namatay kinagabihan. Nanghinayang ako sa kuwago.

Mula noon nagbago na ang paniniwala ko sa kuwago. Ang mga nangyari noon, gaya nang pagkamatay ng asawa ng aking pinsan at pagkamatay ng asawa ng aking kaibigan ay nagkataon lamang. Walang malas na kuwago. Nabasa ko, matatalino ang kuwago at nagdadala pa ng suwerte.

Patuloy akong naghahanap nang aalagaang kuwago.

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with