^

Punto Mo

Milagro sa Colorado

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG 1998, sa Colorado U.S.A., isang apat na taong batang nagngangalang Luke Burgie ang anim na buwan nang maysakit. Paulit-ulit siyang nagtatae. Gagaling lang sandali pero babalik na naman ang pagtatae nito.

Lahat nang klase ng diet ay ipinasubok sa bata at iba’t ibang laboratory tests ang ginawa ngunit bigo pa rin ang mga doctor na matuklasan ang pinanggagalingan ng pagtatae ng bata. Nagsususpetsa ang mga doctor na may cancer ito.

Sa sobrang kadesperaduhan ng ina na mapagaling ang anak, pinuntahan niya ang kumbento ng mga madreng Katoliko. Humingi siya ng tulong sa mga ito na ipagdasal ang paggaling ng kanyang anak. Nagsagawa ng siyam na araw na nobena ang mga madre. Ang founder ng kongregasyon ng mga madre ay isang German na madre na nagngangalang Theresita Bonzel na pumanaw na 100 taon na ang nakararaan.

Ang proseso ng pagdarasal ng mga madre, bukod sa paghingi ng awa sa Diyos, tinatawagan din nila ang kaluluwa ni Mother Theresita upang tulungan silang magdasal para sa kagalingan ni Luke.

Pagkaraan ng siyam na araw na pagdarasal, ang batang si Luke na halos gulapay na sa sobrang panghihina ay biglang tumayo at sinabi sa kanyang ina na hindi na masakit ang kanyang tiyan. Hindi na bumalik ang sakit ni Luke mula noon.

Ang Vatican ay hindi basta-basta nagdedeklara na milagro ang isang pangyayari. Naglalaan sila ng mahabang panahon ng pag-iimbestiga upang mapatunayan na ang isang milagrong nangyari ay totoo.

After 14 years, inilabas ng Vatican ang kanilang verdict tungkol sa mahiwagang paggaling ng batang lalaki mula sa kanyang gastrointestinal condition. Ang hatol ng Vatican: It was a miracle!

Noong 2013, naaprubahan ang beatification ni Mother Theresita kaya tinatawag siya ngayong Blessed Mother Theresita. Ito ay isa lamang sa maraming hakbang na pagdadaanan tungo sa pagiging santo.

MIRACLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with