^

Punto Mo

Imago (85)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA gitna nang naglalakihang kahon sa cargo deck, napansin ni Maya ang isang maliit na charging station na nakakabit sa isang haliging bakal. Sa ibabaw ng mesa na nakakabit doon, may isang walkie-talkie na may kumikislap na berdeng ilaw.

Mabilis ngunit walang ingay na lumapit si Maya. Kinuha niya ang radyo at isinaksak ang earbud nito sa kanyang mga taynga.

Agad na pumutok ang static sa kanyang mga taynga, kasunod ng boses ni Elena na malinaw at malamig na umalingawngaw sa linya.

“Nakaayos na ba ang lahat sa Drydock 4?” tanong ni Elena. “Papasok na tayo sa perimeter sa loob ng sampung minuto.”

“Nasa ibabang silid pa rin ba siya?” sagot ng isang lalaki sa radyo, ang boses ng driver.

“Oo,” tugon ni Elena. “Mabigat ang gamot na ibinigay ko sa kanya. Hindi iyon magigising bago tayo makadaong. Panatilihing naka-locked ang pinto ng Lower Deck hanggang sa makarating ang mga tao mula sa pasilidad.”

Isang malamig na ngiti ang dahan-dahang namutawi sa mga labi ni Maya sa gitna ng dilim.

Hindi pa rin nila alam. Wala silang ideya na ang lalaking pinagbantay sa kanya ay wala nang malay sa semento, at ang kanilang tinutukoy na “bihag” ay malayang gumagalaw.

Hawak na niya ang kanilang komunikasyon. Alam na niya ang kanilang oras ng pagdaong at ang plano para sa kanya.

Dahan-dahan niyang inayos ang hawak sa pipe wrench habang isinisiksik ang radyo sa kanyang bulsa. Sa unang pagkakataon mula noong magsimula ang gabing ito, siya na ang may hawak ng kanyang kapalaran.

(Itutuloy)

IMAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with