Facelift foods
ANG tinatawag na “facelift foods” ay mga pagkaing mayaman sa nutrients na makatutulong sa collagen production, skin elasticity, hydration, at protection laban sa premature aging. Hindi sila literal na nakapagpa-facelift, pero makatutulong sila para mas maging firm, plump at healthy-looking ang balat.
1. Isda gaya ng salmon, sardinas at tuna. May omega-3 fatty acids na tumutulong sa skin barrier at hydration. May protein din para sa collagen-building.
2. Itlog. May high-quality protein at amino acids na kailangan sa paggawa at pag-repair ng collagen.
3. Avocado. May healthy fats, vitamin E at antioxidants na makatutulong sa moisture at elasticity ng balat.
4. Kamatis. May lycopene, isang antioxidant na tumutulong protektahan ang balat laban sa oxidative stress.
5. Bayabas. Napakayaman sa vitamin C, na mahalaga sa collagen formation.
6. Papaya. May vitamin C, beta-carotene at iba pang antioxidants na supportive sa healthy skin.
7. Bell pepper. Isa sa magagandang sources ng vitamin C—importanteng nutrient para sa collagen.
8. Malunggay. May vitamins, minerals at antioxidants na maaaring makatulong sa overall skin health.
9. Nuts at seeds. Halimbawa: almonds, walnuts, chia seeds at pumpkin seeds. May healthy fats, vitamin E at minerals na kailangan ng balat.
10. Bone broth. Naglalaman ng collagen-derived proteins, bagama’t hindi ibig sabihin na ang collagen na kinakain ay direktang napupunta sa mukha. Mas mahalaga pa rin ang sapat na kabuuang protein intake. (Itutuloy)
- Latest




















