^

Punto Mo

Imago (86)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG patuloy na pumapasok ang static sa kanyang earpiece, mabilis na kumilos si Maya patungo sa pintuang bakal pabalik sa Lower Deck. Ito ang tanging daanan na pwedeng gamitin nina Elena upang balikan ang silid kung saan inakala ng mga ito siya nakakulong.

Agad na nakakita si Maya ng isang mabigat at kinakalawang na bakal na nakasabit sa gilid ng haligi.

Gamit ang kanyang buong lakas, maingat niyang inikot ang makapal na bakal sa dalawang hawakan ng pintuan. Bawat ikot ay ginawa niya nang walang anumang nililikhang ingay.

Nang maipit nang husto ang bakal, pinalo niya ang huling dugtong gamit ang kanyang pipe wrench upang tuluyang maikandado ang pinto mula sa labas.

Sa kabilang dako ng radyo, muling umalingaw­ngaw ang boses ni Elena.

“Bumaba ka na sa Lower Deck,” utos ni Elena sa driver. “Kaila­ngan na nating ihanda ang babae. Malapit na tayong dumaong sa gilid ng ­pangunahing pier.”

“Copy,” sagot ng driver.

Mabilis na sumiksik si Maya sa likod ng isang dambuhalang kahon sa i­taas habang pinakikinggan ang mga yabag ng driver sa ibaba. Pagkalipas ng ilang segundo, narinig niya ang marahas na paghila at pagpalo ng driver sa pinto mula sa ilalim ng hagdan.

“Elena, nakakandado ang pinto mula sa itaas,” balisa at halatang naguguluhang boses ng driver sa radyo. “Hindi ko mabuksan. Parang may nakabara sa kabila.”

“Ano?” ang galit na tugon ni Elena. “Paanong mangyayari iyon? Sinu-sino ang nasa itaas?”

Pansamantalang nakahinga s nang maluwag si Maya sa gitna ng kadiliman. Nahati na niya ang kanilang grupo.

Habang natataranta silang alamin kung ano ang nangyayari, mayroon siyang ilang mahalagang minuto upang maghanda sa kanilang pagdaong. (Itutuloy)

IMAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with