^

Punto Mo

Weird na estatwa, aalisin na matapos ang 5 taong pananakot sa mga taga-New Zealand!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kontrobersiyal na estatwa ng higanteng kamay na may mukha ang aalisin mula sa Wellington, New Zealand, matapos ang limang taon na pagkakalagay nito sa tuktok ng isang building sa naturang lungsod.

Ang estatwa na pinamagatang “Quasi”, ay likha ng Australian artist na si Ronnie van Hout. Ito ay unang ipinakita sa Christchurch Art Gallery noong 2016 bago inilipat sa City Gallery Wellington noong 2019.

Sa taas na 16.4 feet, agad itong naging kontrobersiyal at tinawag na “nakakatakot” ng karamihan ng mga residente.

Ayon kay Jane Black, chair ng Wellington Sculpture Trust, mami-miss ito dahil sa kakaibang presensiya nito at sa pagdaragdag nito sa pagi­ging malikhain ng mga taga-Wellington.

Nakaiskedyul itong alisin ngayong Nobyembre at dadalhin ito sa Australia, ngunit wala pang tiyak na lokasyon kung saan ito ­ilalagay.

STATUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with