Parusa sa ‘Bawal Bastos Act’, itataas
Magkakaroon ng karagdagang ngipin ang “Bawal Bastos” (Safe Spaces Act) of 2019, sa sandaling maging batas ang panukalang inihain ni Sen. Robin Padilla.
Mas malaking multa ang isinusulong ng Senate Bill 2810 at mas mahabang prescriptive period para sa pag-file ng complaint na 10-taon, mula sa kasalukuyang limang taon.
Ginawa ng pagpapalakas sa batas dahil sa mga natatanggap na ulat ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na nananatili pa ring rampant ang sexual harassment sa workplace, remains active and rampant.
Sa kanyang panukala, nais ni Padilla na amyendahan ang Safe Spaces Act of 2019 at bigyan ng mas mabigat na parusa, kasama na rito ang: multa na P100,000 hanggang P300,000 sa employer na hindi nagkaroon ng sapat na hakbang laban sa gender-based sexual harassment, o gumawa ng internal mechanism o committee on decorum (mula sa kasalukuyang P5,000 hanggang P10,000 fine); at multang P300,000 hanggang P500,000 sa pagkabigo ng employer na umakto sa sexual harassment complaints, mula sa kasalukuyang P10,000 hanggang P15,000.
Iminungkahi rin ni Padilla ang automatic award ng exemplary damages na P300,000 kung ma-convict ang kinauukulan.
- Latest