^

Punto Mo

Buwan, tatakdaan ng sariling orasan

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

DITO sa daigdig, magkakaiba ang mga orasan sa iba’t ibang bansa. Nangyayari ito dahil umiikot ang sarili nating planeta habang lumilibot ito sa araw. Ang  maghapon sa Pilipinas ay maaaring  magdamag sa ibang bansa. Hapon na sa atin pero umaga pa lang sa kanila. Hatinggabi na dito at natutulog ka na pero tanghaling tapat na at abala sa trabaho ang kaanak mo sa ibang bansa.

Bawat bansa ay may kinabibilangang tinatawag na time zone. Merong sinusunod na pamantayang orasan  ang buong mundo dahil sa mga likas na galaw nito lalo na nang magkaroon ng mga ugnayan sa isa’t isa ang mga bansa. Dahil na rin magkakaiba ang mga klima sa bawat bansa kaya nagkaroon ng time zone. Maulan sa Pilipinas pero may ibang bansa na tag-init ang panahon.

Pero ang time zone na ito ay para lang sa daigdig. Paano nga pala sa ibang mga planeta? Hindi naman puwedeng ibatay ang orasan nila sa orasan ng daigdig. Wala pa namang tao na nakakarating sa ibang planeta at wala pang matibay na  pruweba na merong ibang nilikhang nabubuhay sa malalayong bahagi ng kalawakan.

Kahit magawa na ng tao na makarating at makapanirahan sa planetang Mars, asahan nang ang susundin nitong orasan ay iba ng sa daigdig. Magkakaroon din ito ng sariling time zone.

Sa kasalukuyan ngang paghahanda ng mga scientist, astronomer, astronaut, at  iba pang kinauukulang mga dalubhasa at eksperto, space agencies,  ng mga bansang may mga space program  at ng mga pribadong space companies  sa pagbabalik at pagtatayo ng permanenteng base o kolonya ng tao sa buwan, kasama na sa pinag-aaralan at sinasaliksik ang pagtatakda ng sariling orasan sa satellite na ito ng daigdig  (isang klase ng natural satellite ang buwan na umiikot sa paligid ng ating planeta).

May mga sarili ring galaw at pagkilos ang buwan kaya dapat meron itong sariling time zone o standard time  na siyang susundin ng mga astronaut at ibang mga tao na maninirahan doon.

Natutukan ang isyu ng orasan dahil sa dami at dalas  ng mga nagiging space mission sa buwan ng iba’t ibang bansa, space agencies, at private space companies (Pasensiya na, hindi pa kasama rito ang Pilipinas).

Bukod sa United States at Russia, nakapagpadala na rin ng mga  robotic space craft sa buwan ang Japan, India at China. Malapit nang makapagpadala muli ng mga astronaut sa buwan ang U.S. sa pamamagitan ng Artemis program nito katulong ang ilang mga bansa.  12 tao pa lang na pawang mga Amerikano ang nakakarating sa buwan pero inaasahang darami pa ito sa darating na panahon.

Ang orasan sa daigdig ay sinusukat ng iba’tibang atomic clock na nakapuwesto sa maraming lugar sa planeta natin.  Maaaring gumamit din ng mga atomic clock sa pagtatakda ng oras sa buwan.

Ayon sa European Space Agency, karaniwang kinakalkula ang oras sa kalawakan batay sa oras sa daigdig pero iba’t ibang bansa ang meron nang  plano sa buwan at maaaring kailangan ang pangkalahatang paraan ng pagtatakda dito ng oras.

Kung merong mapagkakasunduang time zone para sa buwan, mapapadali ang mga pagtutulungan ng mga space agencies sa buong mundo  at magtitiyak ng tumpak na gabay at paglalakbay sa kalupaan ng buwan. Isang nakikitang problema rito kung sino ang magiging responsable sa pagtatakda ng orasan ng buwan?

Isang space agency lang ba tulad ng NASA (National Aeronautics and Space Administration) ng U.S. na naatasan ng gobyerno nito na magtakda ng Lunar time?  At kung magkakaroon ng time zone sa buwan, dapat ba itong itali o ibatay sa orasan ng daigdig o dapat kumilos ito nang mag-isa, independiyente o magkaroon ng sariling operasyon?

-oooooo-

Email: [email protected]

ORAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with