Ang babaing kinabaliwan ni Napoleon Bonaparte
ISANG biyuda ang kinabaliwan si Napoleon Bonaparte na nagngangalang Josephine de Beauharnais. Ito ang kanyang unang asawa. Kapag ilang araw siyang nawala dahil sa pakikipaggiyera, magpapadala ito ng mensahe kay Josephine kung kailan siya uuwi. Mahigpit niyang ipagbibilin sa babae: “Don’t wash” ilang araw bago ang kanyang pagdating. Ang gusto ni Napoleon ay samyuhin ang natural na amoy ng kanyang pagkababae. Ganoon katindi ang pagkahaling ni Napoleon kay Josephine.
Ang usap-usapan, hindi lang sa amoy ni Josephine nahuhumaling si Napoleon kundi ang signature sex move nito na kung tawagin ay “zigzag”. Ito ay maaaring tumutukoy sa isang uri ng paggalaw ng balakang o katawan sa paikot o pabalik-balik na pattern habang nakikipagtalik, tulad ng isang zigzag pattern, upang dagdagan ang sensasyon o excitement.
Kaya lang, matapos pakasalan si Josephine, nanlalaki ito, na naging isang malaking balita sa buong France at nakarating hanggang England. Kalaunan, nagdiborsiyo ang dalawa. Wala siyang anak kay Josephine. Nagkaanak si Napoleon ng lalaki sa pangalawang babae na kanyang pinakasalan—si Maria Louisa.
Sa kabila ng nangyari, si Josephine pa rin ang laman ng kanyang puso hanggang sa huli niyang hininga. Ang mga huling kataga na sinabi niya bago malagutan ng hininga ay “France, army, head of the army, Josephine.” Sa kabila ng pang-iipot sa kanyang ulo, hindi talaga niya makalimutan ang kanyang sexy wife.
Narito ang tunay na excerpt mula sa liham ni Napoleon kay Josephine, isang buwan matapos silang ikasal noong 1796, habang si Napoleon ay nasa Italy:
“Since I left you, I have been constantly depressed. My happiness is to be near you. Ceaselessly I live over in my memory your caresses, your tears, your loving solicitude. The charms of the incomparable Josephine kindle continually a burning and glowing flame in my heart. When, free from all solicitude, all trouble, shall I be able to spend all my time with you, having only to love you, and to think only of the happiness of so doing?”
- Latest















