Mga nagsisiga-siga sa pulitika umubra kaya sa giyera?
NAGMUKHANG salot na ang isyu ng pulitika sa bansa na punumpuno ng kayabangan at pambabalahura. Nagtagisan ng kaalaman sa Saligang Batas ang kampo ng mga Marcos at Duterte na halata namang posisyon at komite lang ang dahilan.
Pinirmahan ng 215 kongresista noong Peb. 5, 2025 ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte at agarang iniakyat sa Senado upang llitisin at hatulan ito ng 23 senador.
Humantong sa debate ang usapin nang isulong ni Sen. Bato dela Rosa na ibasura ang nasabing impeachment complaint dahil pulitika lamang ang totoong dahilan ng lahat.
Nagmungkahi si Sen. Allan Peter Cayetano na ibalik sa kongreso ang impeachment complaint dahil may nalabag daw ito alinsunod sa isinasaad sa konstitusyon. Nagsimula na ang batuhan ng kaalaman sa batas ang ilang abogadong senador at pinagtalunan ang Saligang Batas. Bukod kay Sen. Robinhood Padilla na naghahanap na ng away kanto.
Sa pananaw nang marami, ang talagang layunin ng kampo nina Sara at Imee Marcos ay ibitin at pagduyanin ang gobyerno. Ikondisyon ang isip ng mga Pilipino na wala nang ibang pagpipilian sa 2028 election maliban kina Sara at House Speaker Martin Romualdez. Sino kaya ang political strategist nila? Wheew!
Isinisentro talaga ang usapin sa pagitan nina Sara at Martin at namamagitan si Imee. Baka raw naman Sara Duterte-Imee Marcos lang ang hinihinog para sa isang UniTeam forever.
Samantala, harinawang hindi tuluyang lumala ang giyera ng Iran at Israel sa pakikialam ng U.S. Nagbabala na rin ang Russia at China na aalalay sila sa Iran kapag nagkagipitan na. Nasa Southeast Asia lamang ang Iran at kung ipasasara ang Strait of Hormuz, walang supply ng crude oil na makararating sa Pilipinas.
Tigil trabaho at tiyak na maraming magugutom at magkakasakit kapag hindi na tayo nakabili ng gamot at bigas sa ibang bansa. Nasa 4.8 million metric tons ang imported nating bigas bawat taon.
Mamimiligro rin ang mga lugar kung saan nakapuwesto ang mga kampo ng U.S. sa ilalim ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa bansa. Baka maging target ng kalaban ang Pampanga, Nueva Ecija, Cebu, Palawan at Cagayan de Oro. Ipagdasal nating huwag mangyari!
- Latest