^

Punto Mo

EDITORIAL - Sampolan, ­nagpatakas kay Alice Guo

Pang-masa
EDITORIAL - Sampolan, ­nagpatakas kay Alice Guo

Hindi pa nahuhuli ang pinatalsik na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sinasabing nasa Indonesia. Nahuli na ang kapatid nitong si Sheila Guo at kaibigang si Cassandra Li Ong noong Agosto 20 ng Indonesian immigration sa isang mall sa Riau. Ibinalik sila sa Pilipinas noong Biyernes at kasalukuyang nasa National Bureau of Investigation. Si Sheila at Cassandra ay kabilang sa mga ipinaaresto ng Senado dahil sa operasyon ng POGO sa Tarlac.

Nakaalis ng bansa si Guo noong Hulyo 18. Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, nagtungo sa Malaysia si Guo at saka nagtungo sa Singapore at doon sila nagkita-kita ng kanyang pamilya. Pagkatapos ay nagtungo si Guo sa Indonesia. Magkakasama umano sina Guo at ang mga nahuling sina Shiela at Cassandra sa Indonesia subalit natakasan ng nadismis na mayor ang Indonesian authorities.

Isang malaking katanungan kung paano nakatakas si Guo na una nang sinabi ng Bureau of Immigration na mahigpit na binabantayan. Nasa hold departure list din si Guo at iba pang sangkot. Subalit nagulantang na lamang ang marami nang mapabalitang nakaalis na ng bansa ang sinibak na mayor. Habang naghi-hearing ang Senado na may kaugnayan sa kaso ni Guo, wala na pala ito sa bansa at naglilimayon na sa Indonesia, Malaysia at Singapore.

Hanggang ngayon, hindi pa mabatid kung paano nakalabas ng bansa sina Guo at mga kasama na walang record sa BI. May nagsasabing sa backdoor ng bansa ito nagdaan. Inaalam pa kung sumakay ito ng eroplano o barko para makalabas ng Pilipinas. Pero hindi ito magagawa ni Guo kung walang tumulong sa kanya. Imposibleng walang “nag-ayos” ng kanyang mga kailangan para makatakas nang walang kahirap-hirap.

Nagbanta naman si President Ferdinand Marcos Jr. na may “gugulong na ulo” dahil sa pagtakas ni Guo. Ayon sa Presidente, masisibak sa puwesto ang lahat ng responsable kung bakit nakalabas ng bansa si Guo.

Sabi pa ng Presidente, ang pagtakas ni Guo ay naglalantad sa korapsiyon at nagpapahina sa justice system ng bansa. Dahil sa nangyayaring ito, nawawalan ng tiwala ang mamamayan.

Inaabangan ng mamamayan ang sinabi ng Presidente na may “gugulong na ulo”. Nararapat may masampolan sa mga taong nagpatakas kay Guo. Nakakahiya ang nangyari na natakasan ang Pilipinas dahil sa mga korap.

vuukle comment

GUO

SHIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with