Bilyones na kinaltas sa budget ng DepEd, ibalik! — PBEd
Lumikha nang malaking kaguluhan ang pagpasa ng Kongreso ng kaduda-dudang General Appropriation Act (GAA) dulot ng pagkakatanggal ng subsidy mula sa Philippine Health Insurance Corporation at sandamakmak na kabawasan sa budget ng Department of Education (DepEd) para sa susunod na taon.
Masakit talaga sa bangs ang priyoridad at diskarte ng ating Kongreso, di ba mga kosa? Kaya hindi nakagugulat kung bakit nasa lansangan ang mga manggagawa at iba pang grupo upang tutulan ang GAA at hingin ang pagbabalik ng subsidy sa PhilHealth.
Ikinadismaya rin nila ang bilyones na ibinawas sa budget ng DepEd. Balak ng group ng manggagwa na magsampa ng kaso sa Supreme Court kung hindi ibi-veto ni President Bongbong Marcos ang GAA. Tsk tsk tsk!
Buhay na naman ang dugo ng mga militante at iba pang grupo na kontra sa gobyerno, ‘no mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Mukhang naramdaman naman ni BBM ang galit ng mamamayan at nagdesisyon na ipagpaliban muna ang pagpirma ng GAA at muling isailalim ito sa masusing pag-aaral.
Pangungunahan na ni BBM ang muling pagsusuri ng GAA at ayon sa balita ay nakatakdang i-veto ng Presidente ang walang kuwentang provisions sa GAA. E di wow!
Umaasa naman ang advocacy group na Philippine Business for Education (PBEd) na tutuparin ni BBM ang kanyang pangako na ayusin at ibabalik ang malaking kaltas mula sa budget ng DepEd para sa darating na taon.
“We commend Pres. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.’s commitment to addressing the challenges of our education sector,” ayon sa PBed.
“With his recent pronouncement on restoring the education sector’s budget, we remain hopeful that his leadership will inspire the necessary prioritization of education within the government,” dagdag pa ng grupo. Mismooo! Ang sakit sa bangs nito!
Binigyang-diin ng PBed ang kahalagahan ng pagbuhos nang malaking pondo para sa edukasyon, kalusugan at nutrisyon ng bawat Pinoy. Naniniwala ang PBed na ang lakas ng Pinas ay nakasalalay sa mabuting kalusugan at kagalingan ng mamayan.
Bagamat bahagi ang pagpapaganda ng mga kalye at pagpapagawa ng tulay sa pag-unlad ng Pinas, naniniwala ang PBed ng mas kailangang mamuhunan sa mamamayan.
Ayon sa PBed, kung susuriin mabuti ang DepEd budget na ipinasa ng Bicameral Committee, mapapansin na paglalaanan lamang ng halos P1,600 ang bawat mag-aaral. Hindi ito sapat upang pigilan ang patuloy na pagbagsak ng kalidad ng edukasyon sa bansa.
“We still have a long way to go in ramping up our efforts and ensuring that our students and our teachers are provided with the essential resources needed to succeed,” sabi ng PBEd. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Subalit malaki ang paniwala ng PBED na bibigyang prayoridad ni BBM ang pagpapalakas ng Human Capital. Handa naman makipagtulungan ang PBED sa pamahalaan upang iangat ang kalidad ng Edukasyon. Dipugaaa!
Kung sabagay, imbes na bawasan, dapat pa nga dagdagan ang budget ng DepEd para maiahon ang kalidad ng edukasyon sa Pinas at hindi na mangulelat ang mga batang Pinoy kumpara sa ibang kabataan sa ibang bansa. Ano pa nga ba?
Abangan!
- Latest