^

Punto Mo

Interesting psychology facts (Part 5)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Napapahikab tayo kapag nakita natin ang ibang tao na naghihikab. Ito ay indikasyon na mayroon tayong likas na pagmamalasakit sa ating kapwa tao. Ang mga batang may autism ay hindi nahahawa sa paghikab ng ibang tao.

• Ayon sa researchers, mas nakaka-stress kapag hindi mo alam kung paano magtatapos ang isang pangyayari. Samantalang kaunti lang ang stress kung sa una pa lang ay alam mong negatibo ang magiging resulta sa bandang huli.

• Bakit ipinagpapabukas natin ang project na matagal pa ang deadline kahit gaano pa ito kaimportante. Dahil may pakiramdam tayo na may sapat na oras para matapos ang task. Likas na sa ating utak na unahin ang “urgent task” na may short term deadline kahit hindi gaanong importante dahil natatakot tayo na hindi ito matapos sa takdang oras. Ang sekreto rito ay “takot” na kulangin sa oras para matapos.

• Puwede nating sanayin ang ating sarili na maging optimistic. ‘Yung laging nangingibabaw ang positibong pananaw sa buhay.

• Ang mga high school kids ngayon sa U.S. ay kapantay ang level ng anxiety ng 1950s psychiatric patients.

• Sa buong mundo, ang may pinakamabigat na dinadalang stress ay mga taong nasa edad 18 hanggang 33. Bumababa ang stress pagkaraan ng 33-anyos.

• France ang “most depressed country in the world”. Sa bawat limang French, 1 ang may depresyon.

• Ang pagkasawi sa pag-ibig ay maaaring maging dahilan ng kamatayan.

• Mas nagiging makapangyarihan ang isang tao, mas bumababa ang level ng kanyang “empathy” o malasakit sa kapwa. Ang kawalan niya ng facial expression (blanko ang mukha o walang saya/lungkot na makikita) ay indikasyon ng wala siyang nadaramang malasakit sa kapwa.

PSYCHOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with