^

Punto Mo

20 sinaunang ­pamahiin tungkol sa pera (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

11. Huwag sumipol sa loob ng bahay, humaharang ito sa pagdaloy ng pera.

12. Sign na may darating na pera sa iyo: Lagi kang makakakita ng number 8 kahit saan magpunta.

13. Sa mga Russian, susuwertehin ka kung ikakalat ang barya sa apat na sulok ng bahay.

14. Kung may nagbigay ng pera sa iyong lucky day, ito ay sign na may darating pang marami.

15. May darating na hindi inaasahang pera kapag nanaginip ng tae.

16. Sa Taiwan, ibinibigay bilang regalo ang money tree or pachira aquatica kapag magbubukas ng business or graduation dahil pinaniniwalaan itong nagdadala ng kasaganaan.

17. Kapag nakita mong may baby spider na gumagapang sa iyong wallet, ito ay palatandaan na lagi itong puno ng pera.

18. Naiputan ka ng ibon o mismong sasakyan mo; nakatapak ka ng tae—ay ilan lang sa mga palatandaan na may darating na pera sa iyo.

19. Kapag kumakati ang kaliwang palad, ikuskos mo sa kahoy. Makatatanggap ka ng pera bago lumipas ang isang linggo.

20. Kapag isinuot sa kauna-unahang pagkakataon ang bagong damit o pantalon, maglagay nang maraming pera sa kanang bulsa para hindi ka maubusan ng pera.

vuukle comment

PERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with