^

Punto Mo

Pagpaslang sa ­Australian national, nalutas ng CIDG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGUMON sa sugal ang suspect na si Ronel Perido at para matustusan ang kanyang bisyo, nagplano siyang nakawan ang Australian national at dalawang kasama na naka-check-in sa isang hotel sa Tagaytay City. Kaya lang sa hindi malamang dahilan, napatay ni Perido ang Australyano na si  David James Fisk, 57; live-in na si Lucita Cortez, 55, at Pinay na si Mary Jane Cortez, 30.

Mabuti na lang at sa kasipagan ng mga tauhan ni CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco at Calabarzon police director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, nalutas ang kaso ng wala pang isang linggo. Si Gen. Francisco na naman? Simple lang pero rock, ‘no mga kosa?

Hindi nagsayang ng laway si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ng purihin si Francisco bunga sa sandamakmak na accomplishments nito sa sandaling panunungkulan niya sa CIDG. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ni Lt. Col. Bryan Dexter Andulan, ng CIDG Field Unit sa Cavite na noong Marso pa lang ay nagpa-reserve na si Fisk sa The Lake Hotel, sa Bgy. Maharlika West, Tagaytay City. Kaya nang mag-check in si Fisk at kasama sa hotel noong July 8, namataan na si Perido na umaaligid sa hotel.

Si Perido ay dating empleyado ng hotel at tinanggal dahil sa kasong pagnanakaw. Ayon kay Andulan, dahil sa tagal niyang panunungkulan sa hotel, kabisado na ni Perido ang mga CCTV na hindi gumagana, at ang mga hagdan na bihirang gamitin ng mga guests at empleyado.

“Namataan siya ng guwardiya, hardinero at anak ng worker na parang kini-casing niya ang lugar. Lumalabas na gusto niyang gantihan ang manager na kaalitan at sumibak sa kanya,” ani Andulan. Dipugaaaaa!

Sa kanyang report kay Francisco, sinabi ni Andulan na madaling araw nang pasukin ni Perido ang Room 103 kung saan naka check-in si Fisk at kasama. Para hindi makilala, nagsuot pa si Perido ng black hoodie, naka- maroon shorts at sneakers at may knapsack na nakasabit sa likod.

Dahil naka-iskedyul mag check-out sina Fisk at kanyang mga kasama, pinuntahan sila sa kuwarto ni hotel employee Allan Manzan para abisuhan. Kaya lang ang tumambad kay Marzan ay ang bangkay ng tatlong biktima. Ayon kay Andulan, si Fisk ay ginilitan sa leeg at ang kamay at paa ng mga biktima ay nakatali gamit ang electrical cord at tali ng sapatos. Ang lufet mo Perido Sir! Dapat lang na magdusa ka. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon kay Andulan, tinangay ni Perido ang kuwintas, earring, rubber shoes, relos at P10,000 cash ng mga biktima. Ang kuwintas ay nakasangla ng P21,000 at ang resibo ay nabawi nila. Sa pammaagitan ng hawak nilang limang testigo, positibo ang tropa ni Andulan na si Perido ang “person of interest” nila sa kaso. Si Perido ay dati ng nakulong sa inisyu ni Judge Ethel Mercado-Gutay na arrest warrant sa kasong paglabag ng RA 10591. Inaalam pa ni Andulan kung adik si Perido. Ang sakit sa bangs nito!

Si Perido ay nagtago sa Tuy, Batangas, na ayon kay Col. Jack Malinao, PNP provincial director, ay isang rebel-infested area. Subalit sa tulong ng lokal na pulisya, sumuko si Perido kahapon kina Tuy Mayor Jose Jecerell Cerrado at Tagaytay City Mayor Bambol Tolentino. Ayon kay Andulan, kakasuhan si Perido ng robbery with homicide. Hehehe! Pang-NCRPO na talaga si Gen. Francisco, ‘no mga kosa? Mismooooo!

Kapag nagsama-sama ang puwersa ng PNP at LGU, madali lang malutas ang mga krimen, ‘no mga kosa? Mismooooo! Abangan!

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with