^

Punto Mo

‘Disyerto’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

(Part 1)

DATI akong OFW. Nagtrabaho ako sa Riyadh, Saudi Arabia mula 1991 hanggang 2001. Sa panahong iyon, marami akong naging karanasan sa nasabing bansa. Kabilang diyan ang napalo ako nang yantok sa likod ng isang motawa habang naglalakad. Oras kasi ng pagdarasal noon at patuloy ako sa paglalakad. Hindi ko kasi alam na bawal ang gumala-gala habang oras ng dasal. Limang beses sa maghapon kung magdasal ang mga Arabo.

Naranasan ko rin na mapagalitan ng amo kong Saudi nang mahuli akong kumakain habang may Ramadan. Lantaran kasi ang pagkain ko ng sandwich at hindi ko alam na nasa likuran ko pala ang aking boss. Mabuti na lang at pinatawad ako. Huwag ko na raw uulitin na kumain in public.

Naranasan ko na rin na abutan ng hailstorm habang ako ay nagja-jogging. Kung hindi ako nakapagtago sa shade, patay ako dahil sa mga tipak ng hail na singlaki ng batong panghilod.

Ang hindi ko malilimutang karanasan sa Saudi ay nang maligaw sa disyerto.

(Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with