^

Punto Mo

Espenido, ‘attack dog’ kontra Duterte!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Sinunog ni Lt. Col. Jovie Espenido ang kanyang bahay—ang Philippine National Police, matapos niyang ibulgar na “ang PNP ang pinakamalaking crime syndicate sa Pinas.”_Masyadong sweeping ang akusasyon ni Espenido na ikinalungkot ng 222,000 PNP rank-and-file. Dahil aktibo pa sa serbisyo si Espenido, ang ibig bang sabihin miyembro din siya ng sindikato? Palaisipan sa ngayon sa top brass ng PNP, maging kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, kung ano ang nagtulak kay Espenido para gibain ang PNP na matagal ding pinakinabangan niya at ng kanyang pamilya. Pero si Espenido ay taga-Leyte at kababayan niya si House Speaker Martin Romualdez. Tsk tsk tsk! Matagal pa ang 2028 presidential elections subalit puro gibaan blues na ang inaatupag ng mga pulitiko. Puwede ba pagpababa naman ng pagkain ang pag-usapan n’yo?

Sa pagsipot n’ya sa House hearing, nakauniporme pa si Espenido, na ang ibig sabihin ay aktibo pa siya sa serbisyo. Ibinulgar niya sa kanyang prepared statement ang kalagayan ng kampanya ni Tatay Digong laban sa droga at inamin naman niya na kasali siya rito mula Albuera, Leyte; sa Ozamis City at sa Bacolod City. Maraming binanggit na pangalan si Espenido na sangkot sa patayan, at reward system, at higit sa lahat itinuro niya si dating PNP chief at now Sen. Bato dela Rosa na may malaking partisipasyon dito. Dating poster boy ni Digong si Espenido sa kampanya kontra droga. Sa bandang huli ng termino ni Digong ay nabulgar din si Espenido na “naglaro” sa droga.

Tumahimik si Espenido nitong nagdaang mga araw at nagulat pa ang PNP leadership nang biglang sumulpot ito sa House hearing para tumestigo. Nagpaalam kaya si Espenido kay Marbil sa pag-attend niya ng hearing dahil, bilang aktibong pulis, saklaw pa siya ng PNP rules and regulations. Kung sabagay, magreretiro na sa Oktubre si Espenido at mukhang nagsugal siya at pumayag na maging “attack dog” kontra kay Digong. Tiyak, ngiting aso si Espenido sa pagtanggap niya ng retirement pay. Daming tanong na si Espenido at “handlers” ang may kasagutan.

Siyempre, deny to death naman si PNP spokesperson at PIO Col. Jean Fajardo sa akusasyon ni Espenido na “biggest crime group ang PNP.” Ayon kay Fajardo, malayung-malayo sa realidad ang tinuran ni Espenido dahil hindi itinatag ang PNP para gumawa ng krimen. “So hindi natin alam kung saan nanggagaling ang sinasabi ng police officer na ito. Nonetheless it casted doubt, shadow doon sa integridad ng buong PNP. We are not talking about one single PNP officer but buong organization,” ani Fajardo.
Ang PNP leadership sa ngayon, ani Fajardo, ay “really serious in cleansing our ranks, at ang ating internal disciplinary mechanism is in full swing.” Iginiit pa ni Fajardo na dapat lang na managot si Espenido sa kanyang akusasyon at curious ang PNP kung anong ebidensiya ang hawak niya. Bukas ang PNP sa anumang uri ng imbestigasyon, ani Fajardo, dahil “open naman tayo para linisin ang aming hanay. Kayhirap apulain nitong sunog na inumpisahan ni Espenido. Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with