^

Punto Mo

Agresibong aksyon ng China paulit-ulit na lang!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Paulit-ulit na lang ang ginagawang pambu-bully ng China sa pamamagitan ng sadyang pagbangga ng mga ito sa barko ng Pinas.

Maging ang mga ordinaryong Pinoy nagagalit na sa ganitong mga pag-aksyon ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea (WPS).

Ika nga nagbabaga na ang poot ng mga Pinoy.

Bagama’t alam natin na nagpo-provoked ang mga ito, at tanging nagiging pag-aksyon lang ng Pinas ay magharap ng diplomatic protest.

Nakailan na nga bang diplomatic protest na isinampa ng bansa pero tila walang nangyayari.

Ayaw natin ng marahas na komprontasyon na baka pagsimulan ng digmaan, pero dapat na marahil na makaisip pa ng ibang paraan para ito masolusyunan.

Malalakas ang loob ng China na i-bully tayo lalo pa nga’t nakikita nila ang kondisyon ng mga barko ng Pinas.

Minamaliit ika nga!

Ayon nga sa isang senador, tila isang pagkakamali ang ginawang pagbili ng gobyerno ng mga missiles na nagkakahalaga ng nasa P18 bilyon sa halip na mga barko na magbabantay sa mga karagatan na sakop ng bansa.

Ayon yan kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel. Naniniwala siya na hindi dapat binuhusan ng pondo ang pagbili ng missiles na hindi naman basta-basta magagamit ng bansa.

Sampung missiles aniya ang binili ng gobyerno pero duda si Pimentel kung magagamit ang kahit isa rito.

Kung ibinuhos aniya ang pondo sa pagbili ng barko ay baka natapatan pa ng Pilipinas ang dami ng barko ng China na nakatambay sa karagatan na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Eto pa nga’t may pinaplano pang pagbili ng submarine na tinututulan din ng senador dahil nga naman ang girian ng Pinas at China ay nasa ibabaw ng dagat.

Bukod nga naman at magagamit ang mga barko sa disaster relief.

Dapat ng iyong pag-isipang mabuti para naman hindi masayang ang pondo kung maiimbak lang ito.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with