^

Punto Mo

EDITORYAL - Nakahanda ba sa La Niña?

Pang-masa
EDITORYAL - Nakahanda ba sa La Niña?

AYON sa Philippine Atmospheric Geophy­sical and Astronomical Services Administration (PAGASA) 70 percent na ang pagtama ng La Niña sa bansa at mara­ranasan ito sa susunod na buwan na tatagal hanggang Oktubre. Malalakas na ulan umano ang mararanasan na magdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa. Pinayuhan ng PAGASA ang mamamayan at ang Di­saster Risk and Reduction Management Office sa mga probinsiya na maghanda sa epekto ng La Niña sa kani­lang lugar.

Huling naranasan sa bansa ang La Niña noong Nob­yembre 2021 na nagdulot nang matagalang pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa sa maraming lugar. Naitala naman ang mapaminsalang La Niña noong 1999 kung saan walang patid ang buhos ng ulan na nagdulot ng pag­baha at landslide.

Ang La Niña ay weather phenomenon na mahaba ng panahon ng tag-ulan. Lumalamig ang tempera­tura ng silangang bahagi ng Pacific Ocean na nagi­ging dahilan para mabuo ang mga bagyo na may kasamang malalakas na pag-ulan at kasunod ang mapaminsalang baha.

Ang Metro Manila ay hindi ligtas sa baha. Katunayan, kaunting ulan, ay umaapaw na agad ang maraming lugar sa Maynila, Makati, Pasay, Quezon City at Calo­ocan. Umaapaw ang baha sa Taft at Rizal Avenues at España Blvd. sa Maynila. Hindi madaanan ang Araneta Avenue sa Quezon City dahil sa pag-apaw ng creek. Problema rin ang baha sa Marikina City.

Sabagay, kahit walang La Niña, problema na talaga ang baha sa Metro Manila dahil sa mga baradong drai­nage at mga estero na tinatambakan ng basura. Dahil barado ang drainages, walang madaluyan ang tubig kaya nagkakabaha. Matagal na ang problema sa baha sa Metro Manila at hindi masolusyunan.

Parami naman nang parami ang mga nakatira sa pampang ng estero na isa rin sa mga tinuturong dahilan ng pagbaha. Ang mga basura ng informal settlers ang nagpapabara sa mga estero at nagdudulot ng pagbaha. Tapon lamang sila nang tapon ng mga basurang plastic. Hindi matapus-tapos ang problema ng gobyerno dahil sa informal settlers. Inaalis sila at dinadala sa maayos na lugar pero bumabalik at nag-i-squat muli.

Ang paghahanda ng mga ahensiya ng gobyerno sa pagtama ng La Niña ay dapat ginagawa na ngayon pa lang. Kadalasan, kumikilos lamang ang mga tanggapan ng pamahalaan kapag mayroon nang namatay at napinsala. Pakilusin na ang mga tanggapan na mangangasiwa sa mga tinamaan ng kalamidad.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with