^

Punto Mo

Lalaki na nakapagtayo ng mataas na house of cards, nakatanggap ng Guinness Records!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang architect at professional card stacker ang nakapagtala ng world record matapos siyang makagawa ng napakataas na  house of cards sa loob ng walong oras!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Bryan Berg ang pinakabagong world record holder ng titulong “Tallest House of Cards in 8 Hours”. Ito ay matapos siyang makapagtayo ng pinagpatung-patong na mga baraha na may 54 levels.

Hindi gumamit ng kahit anong pandikit o support si Berg at bilang patunay na matibay ang kanyang itinayong house of cards ay pinatungan niya ito ng kanyang cell phone sa pinakatuktok nito.

Hindi ito ang unang world record ni Berg na may kinalaman sa baraha. Sa kasalukuyan, hawak pa rin niya ang record sa titulong “Tallest Playing Card Structure” na may record na 29 feet and 9 inches.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with