^

Punto Mo

Maid Of Honor (223)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Si Rocky ang dumating! May dalang bag. Ma­aring hindi natuloy sa Maynila.

“Bitiwan n’yo siya. Ako ang harapin n’yo mga walang bayag!’’

Gulat na napalingon sina Mark Demonio sa pinanggalingan ng boses.

Napasigaw naman si Inah sa katuwaan nang makita si Rocky.

“Kuya Rocky, mabuti at dumating ka Kuya!” sabay takbo sa kinatatayuan ni Rocky. Umiyak na napayakap.

“Pinaghihipuan ako ng demonyong yan, hu-hu-hu! Pagkatapos pinagtulungang gulpihin si Darwin,’’ sabi ni Inah.

“Ganun ba? Sige at iga­ganti ko kayo. Dun ka sa banda roon at panoorin mo kung paano ko ingungudngod sa buhangin ang mga mukha nito!’’

Lumayo si Inah. Binitiwan ni Rocky ang bitbit na bag at mabilis na sinugod si Demonio. Sinipa sa mukha. Napangiwi si Demonio sa mala-sipa ng kabayo na tumama sa mukha.

Nang akmang susugurin si Rocky, sinalubong ng kanyang elbow at tinamaan sa panga.

“Babae lang at bata ang kaya n’yo,”’ sabi ni Rocky at hinarap ang mga kasama ni Demonio.

Sumigaw si Demonio. “Upakan n’yo! Upakan n’yo! Saksakin n’yo!’’

Isa ay binunot ang patalim at sinugod ng saksak si Rocky. Pero balewalang iniwasan ni Rocky ang patalim at sa isang iglap naagaw niya ito. Nang maagaw, malakas na suntok sa mukha ang ibinigay niya rito. Bagsak!

Sumugod ang isa pa pero tinadyakan ito ni Rocky nang ubos lakas sa sikmura at parang puno ng saging na bumagsak.

May hawak namang patalim ang ikatlo at sinugod si Rocky. Mabilis na naka­dampot ng buhangin si Rocky at sinaboy sa mga mata ng sasaksak sa kanya. Hindi nito malaman kung saan susuling. Inagaw ni Rocky ang patalim at saka ubos lakas na siniko. Bagsak.

Si Demonio na lamang ang natira.

Biglang sumigaw si Darwin.

“Ako na ang bahala sa demonyong yan, Kuya Rocky! Masyado niya akong pinahirapan kanina.’’

“Sige Darwin. Gawin mo yung itinuro ko!”

“Pakakainin ko ng buhangin, Kuya?’’

Tumango si Rocky.

(Itutuloy)

vuukle comment

ROCKY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with