^

Punto Mo

‘National security concern’

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Itinuturing na ng Bureau of Immigration (BI) na isang national security concern ang dumaraming bilang ng mga dayuhang nagtataglay ng illegally acquired o kung di man pineke na Philippine documents.

Ayon sa BI matagal nang nakikita ng ahensiya na isang national security concern ito dahil hindi lamang paisa-isa ang nahuhuli nitong mga nakaraang araw.

Talagang nakakabahala na ang naturang problema dahil ang mga dayuhang ito ay hindi eligible na maging Filipino.

Nawawala na rin umano ang mga ito sa purview ng BI kung sila ay maging Filipino na, dahil sa mga Philippine documents na hawak nila.

Dahil nga sa itinuturing ng national concern, ipinag-utos na rin ni BI Commissioner Norman Tansingco ang pagsasagawa ng individual assessment sa lahat ng biyahero na dumaraan sa immigration.

Base sa kautusan, hindi aniya maaaring may tagasagot ang mga ito sa kanilang pagbiyahe.

Gagawin aniyang individually ang pagtatanong sa mga ito upang makita at masiyasat ng mabuti ang kanilang mga dokumento.

Nabatid na noong Hulyo 10 lamang, dalawang babaeng hinihinalang pekeng Pilipina, ang nasabat ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 habang nagtatangkang sumakay ng isang Cathay Pacific flight patungong Beijing na nakapagpakita ng balidong Philippine passport at birth certificate.

Pinagdudahan lang dahil hindi makapagsalita ng diretsong Tagalog.

Isa sa mga ito ang kalaunan eh umamin, na ang kanyang mga dokumento ay nakuha lamang niya mula sa kontak na nakilala niya online.

Panibago na naman itong anomaly na dapat na maimbestigahan kung paanong nagtataglay ng mga dayuhan ng mga balisong PHL documents.

Tukuyin ang mga Pinoy na promotor sa ganitong fraud na naglalagay sa balag ng alanganin sa seguridad ng bansa.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with