^

Punto Mo

Sara, no choice but to resign!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MALIWANAG ang dahilan kung bakit nag-resign si VP Sara Duterte sa gabinete ni Pres. Bongbong Marcos bilang Secretary of Education. Nagmimistula siyang insekto sa grupo ng ego boosters ng Presidente. Period!

Ang ginawang pambabarubal ng ama at kapatid nito sa administrasyon at pagkatao ni Bongbong ang totoong dahilan. Maiipit talaga si Inday!

Tama ba best friend Imee?

Sa pagtatapos ni Digong sa masalimuot na administrasyon nito noong 2022, binalak ng grupo nito na patakbuhin bilang Presidente si Sara pero nagtapos ito sa tambalang Bongbong-Sara para lamang makasiguro ng panalo.

Panangga raw sa lakas ni Leni at kamandag ng ICC. Anyare?

Malalim ang ugat na pinaghugutan ni Sara mula pa sa lola nitong si Soledad “Soling” Duterte na aktibistang titser at kabilang sa first quarter storm activists na  mahigpit na kritiko ng martial law administration ni Ferdinand Marcos Sr. noon.

E, bakit galit si Digong sa mga aktibista?

Inaasahan ngayon ng Tropang Maisug na may reyna na silang titindig sa entablado kasama ang mga tamporistang Marcos ­loyalists na nasipa sa puwesto at nanlalait ngayon sa administrasyon ni Bongbong.

May kalabaw na kayang matutuntungan ang mga bangaw?

Hintayin natin!

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with