^

Punto Mo

10 facts tungkol sa sustansiya ng pagkain

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Mas mataas ang vitamin C ng broccoli, parsley, brussel sprouts, at red bell peppers per 100g serving kaysa oranges.

2. Taglay ng dahon ng malunggay ang essential amino acids na nagpapatibay ng ating muscle tissue. Mataas din ang iron nito kaysa spinach; mataas sa calcium kaysa gatas at maraming vitamin A kaysa carrots.

3. Napatunayan noon pa na ang calcium ay magiging epektibo lang sa pagpapatibay ng ating buto kung iinom tayo o kakain ng pagkaing mayaman sa vitamin K. Hindi gatas ang makakatulong upang lumakas ang ating buto kundi ang mga sumusunod : avocado, peaches at saging.

4. Ang balat ng kiwi ay kinakain. Dito makukuha ang maraming fibers at vitamin C.

5. Ang patatas ay mayaman sa Vitamin C, Potassium, Fiber, Vitamin B6 at kukoamines na nakakapagpababa ng blood pressure.

6. Karamihan sa mga babae ng kahit anong lahi ay mas maputi or lighter ang kulay ng balat kumpara sa mga lalaking kalahi nila. Ito ay para mas maraming vitamin D ang masipsip ng kanilang balat mula sa sikat ng araw. Kung maraming vitamin D ang katawan, mas maraming gatas ang mapo-produce ng kanilang katawan.

7. Ang top 10 foods na mataas ang level ng vitamin C ay bayabas, kiwi fruit, kamatis, bitsuwelas, kale, oranges, broccoli, papaya, strawberries, bell pepper.

8. Ang brain damage na nagiging problema ng mga lasenggo ay maiiwasan kung siya ay kakain ng masusustansiyang pagkain.

9. Ang gatas ay nagtataglay ng magnesium, calcium, vitamin B, at theanine, na nakakapagpababa ng insidente ng depresyon, pagkabalisa at nerbiyos.

10.  Wala pang pag-aaral ang nagpatunay na ang vitamin C ay pumipigil sa pagkakaroon ng sipon at lagnat. Pinipigilan lang nito ang paglala ng sakit.

vuukle comment

FOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with