^

Punto Mo

Mag-ingat daming nagkaka-dengue!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MARAMI ba kayong basyo ng bote na nakalantad sa ulan o maski mga drum na walang takip? Inspeksiyunin ninyo at baka pinangitngitlugan ng mga lamok. Itapon n’yo ang mga bote at iba pang lalagyan para walang tirhan ang mga lamok. Takpan ang mga drum at iba pang lalagyan ng tubig.

Kung may mga halaman kayo sa paligid na masyadong malago o masukal na, linisin dahil pinamumugaran ito ng mga lamok na nagdadala ng dengue. Alisin din ang mga damit at iba pang nakasampay sa madilim na bahagi ng bahay dahil paborito rin itong tirahan ng mga lamok na kung tawagin ay Aedes Aegypti. Ang lamok na ito ay sa araw nangangagat. Madaling makilala ang lamok dahil sa mga guhit na puti sa katawan. 

Ayon sa Department of Health (DOH), mayroong naitalang 5,369 bagong kaso ng dengue hanggang Hunyo 1. Sa kabuuan, 70,498 na ang kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hunyo 1 at 197 ang namatay. Pitong rehiyon ang kinakitaan ng pagtaas ng dengue. Ito ay ang Cordilleras, Ilocos, Zamboanga peninsula, Cagayan Valley, Caraga, Mimaropa at Northern Mindanao.

Inaasahan na darami pa ang kaso ngayong idineklara ng PAGASA ang rainy season at may inaasahan pang pananalasa ng La Niña sa Hulyo. Noong nakaraang taon, naitala ang 48,109 ang kaso ng dengue at mga bata ang nagkasakit.

Sa Hulyo 29 ang nakatakdang opening ng school year 2024-2025 at nakababahala na ang mga bata sa public school ang tamaan ng dengue. Nararapat na magkaroon ng masinsinang paglilinis sa kapaligiran ng eskuwelahan lalo na ang malapit sa creek na natitinggalan o naiimbakan ng mga basura. Kahabag-habag ang mga bata kung mabibiktima sila ng dengue. Wala pa namang bakuna laban dito. Noong 2016, nagkaaberya ang Dengvaxia vaccine matapos mapabalita na may mga batang “namatay” makaraang mabakunahan. Ipinatigil ang vaccination.

I-require sana DepEd na pagsuutin ng jogging pants ang mga school children para para may proteksiyon sila sa kagat ng lamok.

Mag-ingat ang lahat sa nakamamatay na dengue.

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with