^

Punto Mo

Wala nang pag-asang ­bumaba ang presyo ng bigas

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

DAPAT tanggapin na ng mamamayan na hindi talaga uubrang maibaba sa P20 bawat kilo ng bigas. Ituring na lang na masamang panaginip ang pangakong yun dahil hindi talaga mangyayari. Imposible na talaga!

Sa halip na bumaba ang bigas, tumaas pa ng P2 bawat kilo. Ang bigas na nabibili sa halagang P50 ay P52 na ngayon. Ang P100 ay kulang pa para makabili ng dalawang kilo ng bigas. Paano pa ang iuulam? Ang sardinas man ay nagmahal na rin. Magdidildil sa asin ang mahihirap na mamamayan. Kawawa naman ang mahihirap na bigas lang ay hirap na hirap bumili dahil sa taas ng presyo.

Maraming nagtataka kung bakit tumaas ng P2 ang bawat kilo ng bigas gayung anihan ngayon. Makikita ang mga magsasaka na nagbibilad ng kanilang palay sa gilid ng kalsada. Napakarami nilang ani. Anyare at sa halip na bumaba ang bigas, sumirit pa. Grabe na ang nangyayari na ang bigas na hindi dapat magmahal sa bansang ito ay nagmistula nang ginto. Naturingang agricultural na bansa pero mahal ang bigas. Malawak ang taniman ng palay pero kinukulang at kailangan pang umangkat sa Vietnam. Tinalo pa tayo ng Vietnam sa produksiyon ng palay sapagkat number one exporter sila. Kung alin pa ang bansang dinurog ng digmaan, ito pa ang nangungunang exporter ng bigas.

Lalo namang nakapagtataka na hindi alam ng Department of Agriculture (DA) kung bakit tumaas ang presyo ng bigas. Sabi ni DA Undersecretary at Spokesman Arnel de Mesa, nagtataka sila sa biglang pagtaas ng bigas. Hindi raw nila alam sapagkat ngayon ay panahon ng anihan. Sabi pa ni De Mesa, dapat pa nga raw ay mababa ngayon dahil anihan. Makikipag-ugnayan na raw sila sa National Food Authority (NFA) at iba pang ahensiya ng gobyerno para malaman ang dahilan.

Hindi kaya mayroon na namang hokus-pokus sa NFA? Sariwa pa sa isipan ang nangyaring anomalya sa NFA kung saan binenta ng mga opisyal doon ang bigas sa halagang murang-mura at hindi dumaan sa bidding. Natalo ang pamahalaan sa ginawa ng mga opisyal ng NFA. Ano na ang nangyari sa imbestigasyon?

Apurahin ng DA ang pag-iimbestiga kung bakit nagmahal ng P2 ang presyo ng bigas. Baka may amoy anomalya na naman? Kawawa ang mamamayan.

vuukle comment

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with