^

Punto Mo

Pagbubura ng tattoo sa PNP, binawi!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matapos na ipag-utos ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapabura ng tattoo at pagbabawal sa tattoo sa kanilang mga tauhan, mistulang nag-iba ang ihip ng hangin sa kasalukuyan.

Noong nakalipas na linggo nang maglabas ng moratorium ang PNP laban sa pagpapabura ng mga nakikitang tattoo sa katawan ng mga pulis.

Kailangan pa muna umanong marebisa ang nilalaman ng MC 2024-023 na may kinalaman nga sa pagpapabura sa mga tattoo sa mga pulis na siyang nais ni PNP chief Gen. Rommel Marbil.

Ibig matiyak ng PNP chief na hindi makaaapekto sa kalusugan at pangangatawan ang pagpapabura ng mga tattoo ng mga pulis.

Naku po, baka nga naman dito pa magkaroon ng iba’t ibang komplikasyon na lalong magpalala pa sa problema.

Nais din ng pamunuan ng PNP na maiwasan ang anumang diskriminasyon, at isyu sa pagpapabura ng tattoo, kaya sinuspinde muna ang pagpapatupad dito.

Sa ilalim ng MC 2024-023, inoobliga ang lahat ng mga tauhan ng PNP na may tattoos na magbigay ng written affidavit na nagdedeklara ng kanilang mga tattoo at pag-aalis sa mga visible tattoo.

Kung pinarerebyu ang naturang kautusan, ibig lang sabihin hindi ito hustong nagpag-aralan.

Kung ano ang mga implikasyon nito o may nalalabag pang karapatan ng isang indibiduwal sa kanyang sariling katawan.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with