^

Punto Mo

Gen. Marbil, tuldukan mo ang holdapan vs Grab drivers!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Panahon na para tuldukan ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil itong tumataas na bilang ng holdapan sa mga Grab drivers. Kalimitan nangyayari ito tuwing madaling araw kung saan manipis ang deployment ng mga pulis sa kalye. Ang latest na biktima ng mga dorobong holdaper ay itong si TeeJay na gusto lang kumita ng kaunti para itaguyod ang pang-araw-araw na gastusin ng pamilya.

Ang masama pa n’yan, kamuntik pang kitlin ng mga dorobo ang buhay ng Grab driver, na wala namang kasalanan sa kanila. T’yak pangtustos lang sa bisyo itong ginawa ng mga dorobo. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan!

Ibiniyahe ni TeeJay ang kanyang hinuhulugang sasakyan noong Abril 30 kaya lang inabot s’ya ng madaling araw sa daan. Nang tumunog ang kanyang Joyride Apps ng mga bandang ala-1:30am kaagad tinungo ni TeeJay ang Diokno Boulevard sa Pasay City kung saan sumakay sa kanya ang tatlong dorobo na nakasuot ng face masks. Nagpahatid ang mga ito sa Sta. Ana, Manila.

Subalit pagdating sa tapat mismo ng Sta. Ana Church, naglabas ng baril ang isa sa mga dorobo at nagdeklara ng holdap. Sinabi ng mga kosa ko na may naunang biktima ang mga suspects na dito rin hinoldap at nagtakbuhan lang sila sa isang eskinita. Tiyak taga-paligid lang ang mga suspects. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Tsk tsk tsk! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kinumpiska ng mga suspects ang kita ni TeeJay, kasama na ang kanyang celfone. Piniringan ang kanyang mga mata, at tinalian ng masking tape ang kanyang mga kamay. Pagkatapos nito, pinalipat si TeeJay sa likurang upuan kung saan pinagitnaan s’ya ng dalawang suspects. Naramdaman na lang ni TeeJay na mahaba ang kanilang biyahe at narinig n’yang nagtatalo pa ang mga suspects kung saan siya ihuhulog o itatapon.

Ayon kay TeeJay, pinutukan siya ng isa sa suspects subalit sa kabutihang palad ay hindi siya tinamaan. Panay pakiusap niya sa mga dorobo na ‘wag s’ya patayin dahil may tatlong anak pa s’yang binubuhay. At maya-maya pa, inihulog ng mga suspects si TeeJay sa isang bangin sa Painuman, Bgy. Inarawan sa Antipolo City, bago humarurot ang mga ito palayo. Dipugaaaaa!

Nagsisigaw sa paghingi ng tulong si TeeJay at mabuti naman at gising pa ang ilang kapitbahay. Kaya lang nagtamo ng crack ang kanyang spinal column kaya’t madaliang isinugod s’ya sa Antipolo District hospital. Inilipat siya sa isang ospital sa Maynila kung saan mahigpit s’yang binabantayan ng kanyang pamilya.

Magiging hamon itong kaso ni TeeJay para kay Gen. Marbil. Ikumpas lang n’ya ang kanyang kamay para kumilos si Antipolo City police chief Lt. Col. Ryan Manongdo nang sa gayon ay malutas ang kaso. Hehehe! Lagot kayo mga dorobo.

Ang masaklap lang, bunga sa tinamo n’yang crack sa spinal column, kailangan ng pamilya ni TeeJay na mag-raise ng P220,000 para operahan ito. Susmaryosep! Saan kukuha ng panggastos itong pamilya eh kaya naisipang mga-Grab ni TeeJay dahil wala naman silang ibang pagkakitaan.

Hindi lang ‘yan, saan kukuha ang pamilya ni TeeJay bilang panghulog sa na-carnap na sasakyan at maging sa pangtustos sa kanilang pagkain at iba pang pangangailangan? Hayyyy nakuuuuu! Imbes na maitawid sa kahirapan ang pamilya, lalong lumaki ang problemang pinapasan ni TeeJay, di ba mga kosa? Ang sakit sa bangs nito. Abangan!

vuukle comment

GRAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with