^

Punto Mo

Maid of Honor (97)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BUKAS ng gabi, pupuntahan natin ang sinasabi mong gusali, Inah,’’ sabi ni Rocky.

“Sige po Kuya Rocky. Tayo lang pong dalawa?’’

“Kasaman natin si Kuya Honor mo. Mabuti nang tatlo tayo.’’

Sumali sa usapan si Honor.

“Hindi kaya maganda e ipaalam natin sa kapatid mong police general, Bro?’’

“Alam na niya. May ba-backup sa atin na dalawang matinong pulis. Hindi raw dapat ang maraming pulis dahil baka masunog  ang plano. Maaaring magkainteres ang mga pulis. Sabi ng kapatid ko, maraming scalawags sa PNP at maari tayong mapahamak.’’

“Tama ang kapatid mo, Bro, marami talagang pulis ang hindi dapat pagkatiwalaan.’’

“Kaya tayong tatlo ang papasok sa building para kunin ang pera na nasa black bag.’’

“Anong oras tayo aalis, Bro?’’

“Aalis tayo ng 9:00 p.m.’’

Pero nagsalita si Inah.

“Maraming tao sa ganung oras, Kuya Rocky. Ang tapat kasi ng building ay KTV club.’’

“Ganun ba?’’

“Dapat po 12:00 midnight tayo magtungo.’’

“Sige. Maghanda kayo at bukas, pupuntahan natin ang gusali.

KINABUKASAN ng gabi, dakong 12:00 midnight, nagtungo sila sa gusali.

Hindi makapaniwala sina Rocky at Honor sa nakita. Luma na ang gusali.

“Parang abandonado na ito ah!’’ sabi ni Rocky.

“Oo nga lumang-luma na!’’ sabi naman ni Honor.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with