Pinakamalaking 3d printer sa buong mundo, kayang gumawa ng bahay sa loob ng 4 na araw!
NAHIGITAN ng University of Maine ang sarili nilang world record nang makabuo sila nang pinakamalaking polymer 3D printer!
Noong 2019, nakatanggap ng Guinness World Record ang University of Maine ng world record title na “World’s Largest 3D Printer”.
Ang naturang printer ay nakapag-print ng bangka na may laking 25 feet at bigat na 5,000 pounds. Pero ngayong 2024, nakagawa pa sila ng bago at mas high-tech na 3D printer na apat na beses ang laki kumpara sa nauna nilang printer noong 2019.
Tinawag ang printer na ito na Factory of the Future 1.0 at kaya nitong mag-print ng isang single-storey bungalow house sa loob lamang ng apat na araw!
Isa sa dahilan kaya gumawa ng ganitong printer ay para sa affordable housing. Ang state ng Maine ay kailangang makagawa ng 80,000 kabahayan sa susunod na anim na taon ngunit kulang sila sa manpower.
Bukod dito, para mapigilan ang paglala ng climate change. Ayon sa isang research, ang construction industry ang isa sa nakapagpapalala ng climate change dahil 37 percent ng greenhouse gas emissions ay nagmumula sa industriyang ito.
- Latest