^

Punto Mo

Gen. Francisco, tugisin mo si alyas Maklang!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

CONGRATULATIONS kay Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco, ang bagong hirang na director ng Criminal Investigation and Detection Group ng PNP. Si Francisco ay isang well-rounded police officer at sa tingin ng mga kosa ko, angkop siya sa CIDG. Malaki ang magiging papel ni Francisco para tulungan si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na iangat ang antas ng imahe ng kapulisan. Mismooooo!

Bago siya sumabak laban sa droga, crime syndicates at iba pang criminal activities, unahin muna ni Francisco ang paglinis ng mabangong pangalan ni Marbil. Ang tinutukoy ng mga kosa ko ay ang pag-aresto sa mga tong collector na kinakaladkad ang pangalan ni Marbil sa ­sugal-lupa at iba pang pagkakakitaan. Tutal naglabas na ng memo itong si Marbil na tugisin ang mga ito. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Para mapadali ang trabaho ni Francisco, ang mga tong collector na umiikot gamit ang pangalan ni Marbil ay sina Sgt. Delfin,  Lakay, Magsino, Tatay Parak, Gaston, John Lloyd, Sgt. Panganiban, Bebot, Adlawan, Sgt. Arguelles, Rico, Sgt. Sandoval, Sgt. Calingasan, Sgt. Ilao, alyas Chard, Miravillas, Richard, at Jamie. From Region 1 to Region 4A ‘ yan, ayon sa mga kosa ko. Abayyyyy buong Luzon ha. Ang kausap nila ay si alyas Maklang. Ano ba ‘yan? Kaya’t targetin mo din si alyas Maklang, Gen. Francisco Sir! Sal-it! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Matagal na ring nakasama ni Dipuga itong si Francisco, lalo na noong kapanahunan ni ­ex-NCRPO chief Boysie Rosales. Lately, naging hepe s’ya ng Manila Police District, director ng Police Regional Office 6 sa Western Visayas, hepe ng Directorate for Operations at Directorate for Investigation and Detective Management. 

Siyempre, ginampanan n’ya ang kanyang trabaho with flying colors. Get’s n’yo mga kosa? Disciplinarian at futuristic ang mga programa ni Francisco kaya humanda kayo mga CIDG rank-and-file at puro trabaho lang kayo. Nakakahalata na ba kayo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Dipugaaaaa!

Ang papalit naman sa puwesto ni Francisco sa DIDM ay ang kaklase niya na si Brig. Gen. Matthew Baccay, ang deputy sa Directorate for Personnel and Records Management. Si Baccay ay halos 19 months na nakatengga sa DPRM dahil naturingan siyang Davao Boy. Si Baccay, na isang abogado ay tubong Cagayan, o Ilokano rin, kaya lang ang asawa ay taga-Davao at ang isyu sa kanya ay pala­ging nasa Davao. Hehehe! Anong masama kung dadalawin niya ang kanyang pamilya? ­Professional naman si Baccay kaya’t mabuti na lang at nakita ni Marbil ang gamit sa kanya. Mismooooo!

Lilisanin naman ni Maj. Gen. Romeo “Bong” Caramat ang CIDG na puno ng accomplishments. Si Caramat ang bagong commander ng matagal na nabakanteng Area Police Command -Northern Luzon. Malapit nang magretiro si Caramat at makukuha lang niya ang kanyang 3rd Star kapag nailarga na ang PNP Reorganization Law. Kaya lang, ang masamang balita ay ibinalik ang naturang batas sa Kamara kaya’t masalimuot ang sitwasyon sa ngayon ni Caramat. Ang sakit sa bangs nito.

Ang binabantayan naman sa ngayon ay ang 3rd wave ng revamp kung saan minomonitor ng mga kosa ko ang katayuan ng kalaban ni Marbil sa pagka-PNP chief na si NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez. Ma-retain kaya s’ya o mapapalitan? Anong sey nyo mga kosa? Abangan!     

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with