^

Punto Mo

Siklab ng Converge

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Naipakita ng Converge ang kanilang kakayahan at nakapanakit sa paghugot ng dalawang panalo sa ka­nilang huling tatlong laro sa PBA Season 48.

Biktima nila ang Meralco (104-99) at TNT (107-103) sa dalawang panalo kontra sa siyam na talo sa Philippine Cup.

At kasama ang nag-iisang panalo kontra Terrafirma (103-94) sa Commissioner’s Cup, isinara nila ang ka­nilang Season 48 campaign na may 3-19 cumulative record.

At dahil kulelat, bandera na naman sila sa parating na Season 49 Rookie Draft.

Ang matagal nang maugong na usap-usapan, sa­sampa na sa PBA si Balti Baltazar at ang pagsuot ng Converge FiberXers uniform ang kanyang destinasyon.

Iyan eh kung wala silang inaabangang parating na bigating Fil-Am.

Pero sinuman ang sasampa sa koponan ng Converge, inaasahan ang kanilang matinding pagbabalik sa Season 49.

Muli, sa kanilang closing performance sa Season 48, nakita ang competitiveness ng tropa ni coach Aldin Ayo.

Nakipagbatbatan sila sa TNT Tropang Giga at hindi tumiklop hanggang sa mahugot ang four-point victory.

Araguy para sa TNT na sumadsad sa joint fifth to eighth places kasama ang Rain or Shine, Meralco at Terrafima na may magkakaparehong 5-5 records.

Must-win ngayon sa TNT ang kanilang huling laban kontra Magnolia sa Linggo. O baka mapalaban pa sila ng knockout game para sa huling quarters spot.

vuukle comment

CONVERGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with