Lisensyang papel sana nga matugunan na
AYAN ha, tiniyak ng Land and Transportation Office (LTO) na wala nang magiging backlog sa license card at plaka ng mga sasakyan pagsapit ng Hulyo 1.
Yan ang siniguro ni LTO Chief Vigor Mendoza sa press briefing kamakalawa sa Malakanyang matapos ang kanilang sectoral meeting kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Nakatulong ng malaki para masolusyunan ang problema ang pag- aalis ng Court of Appeals (CA) sa injunction order na nagbabawal sa LTO na mag isyu ng plastic cards.
Oktubre ng nagdaang taon, sinabi na ng LTO na magpo-produce sila ng isang milyong license plates kada buwan dahil na rin sa backlog na 80,000 plates noon.
Tinataya naman ng LTO na ang demand para sa motor vehicle plates ay 2,000 sasakyan kada araw.
Iniulat pa ni Mendoza, nasa 4.01 milyon ang backlog sa driver’s license card noong Abril at ngayon aniya ay nasa 9.7 milyong license cards na ang na bid out ng Department of Transportation (DOTr) kung kaya wala nang dahilan para hindi matugunan ang kailangang cards para sa buong taon.
Pinayuhan naman ni Mendoza ang mga may temporary driver’s license na magtungo sa LTO para kumuha ng driver’s license cards.
Sana nga eh magtuluy-tuloy na ito at wag na sanang maulit ang pagkakaroon ng alingasngas para wala nang masumpungan may nagtataglay ng lisensiyang papel.
- Latest