^

Punto Mo

‘Tuko’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

GALIT ako sa tuko (gecko). Naiirita ako kapag nakakarinig ng huni nito. At lalong nadagdagan ang inis ko kapag nakikita ang itsura ng tuko. Pangit at nakakatakot. Talagang kinikilabutan ako kapag nakakakita at nakaririnig sa huni ng tuko. Pakiramdam ko ba ay may darating na salot kapag humuhuni ang tuko. Nagsimula ang pagkainis at pagkairita sa tuko noong ako ay 10-taong gulang.

Ang bahay namin sa probinsiya noon ay gawa sa kahoy. Tabla ang dingding at pati na rin ang sahig. Malalaki ang haligi ng aming bahay na ayon sa aking ama ay mga matitibay na kahoy na kinuha pa sa kagubatan. Noon daw ay hindi pa mahigpit ang pamahalaan sa pagputol ng mga matitibay na kahoy.

Dahil pawang kahoy ang aming bahay, naging paborito itong tirahan ng mga tuko. Nasa haligi sila ng bahay nagtatago. Pagsapit ng alas sais ng hapon ay nagsisipaghunihan ang mga tuko. Nagsasagutan sila. ­Rinding-rindi ako sa hunihan ng mga tuko.

Isang araw, pinagtiyagaan kong hanapin ang mga tuko sa haligi. Talagang iritang-irita ako sa paghuni nila. Nakita ko ang dalawang tuko. Pinagtiyagaan kong itaboy ang mga ito. ­Naglundagan ang mga ito palabas at umakyat sa punong niyog. Napangiti ako nang lihim. Wala nang nakaiiritang tunog sa gabi.

Fast forward. Taon 1998. May pamilya na ako. Successful businessman. Mayroon akong limang hardware stores sa aming bayan. Bawat hardware stores ay araw-araw kong pinangangasiwaan.

Isang araw, isang hardware store ko ang pinamugaran ng tuko. Tuwing gabi ay humuhuni. Naiirita na naman ako. Nag-isip ako ng paraan kung paano ito maitataboy. Hinanap ko kung saan nagtatago. Hindi ko makita.

Hinintay kong gumabi para paghuni nito ay alam ko kung saan nagtatago.

Pero hindi humuni ng 6:00 p.m. Naghintay ako. Hindi rin humuni ng 8:00 p.m.

Naghintay pa rin ako.

Pagsapit ng 10:00 p.m. saka ito humuni. Nasa may bintana pala sa likod ng bahay ito nagtatago. Pinlaslaytan ko. Hindi ko makita. Binuksan ko ang bintana. Pinlaslaytan ko uli.

Pero iba ang nakita ko. Dalawang lalaki na naka-bonnet at tila naghihintay ng tamang oras para pasukin ang bahay at ang hardware. Mabilis akong tumawag sa  barangay at kasunod nun ay nagdatingan ang mga tanod.

Ilang minuto pa at may mga pulis na dumating.

Nahuli ang dalawang lalaki na dati na palang nakulong dahil sa pagnanakaw.

Kung hindi dahil sa huni ng tuko, hindi ko madidiskubre ang balak na pagnanakaw. Mula noon, hindi na ako naiirita sa tuko. Salamat sa tuko.

vuukle comment

KARANASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with