^

Punto Mo

Ano ang ­ipinagkaiba ng subpoena sa ­warrant of arrest?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Ano po ang pagkakaiba ng subpoena at warrant of arrest? Puwede po bang makulong kung makatanggap ng subpoena? —Jennie

Dear Jennie,

Ang subpoena, kapag ang pinag-uusapan ay mga kriminal na kaso, ay ipinadadala ng nag-iimbestigang piskal sa sinampahan ng isang criminal complaint bilang bahagi ng preliminary investigation.

Kadalasang kasama sa subpoena ang reklamo at ang utos na magsumite ang sinampahan ng  reklamo ng kanyang counter-affidavit kung saan maaring pabulaanan ang krimeng iniaakusa sa kanya.

Karaniwan ding isinusumite kasama ng counter-affidavit ang mga dokumento at iba pang mga ebidensiya na susuporta sa depensa ng inirereklamo.

Hindi naman kaagad makukulong ang isang nakatanggap ng subpoena dahil kailangang pag-aaralan muna ng fiscal kung may sapat bang pruweba ang mga akusasyon. Kailangan din niyang timbangin ito sa anumang depensa na ilalatag ng inirereklamo upang magkaroon ng sapat na batayan ang kanyang desisyon kung dapat bang iakyat ang kaso sa husgado.

Pagkaakyat ng kaso sa husgado, saka lamang maaring maisyuhan ng warrant of arrest ang inirereklamo upang siya arestuhin at ipakulong.

vuukle comment

WARRANT OF ARREST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with