^

Punto Mo

Paliwanag sa inaasal ng isang tao

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Mahilig mag-sorry kahit hindi naman kailangan: ­Palatandaan na noong bata pa siya ay madalas siyang sisihin kaya laging nagkakaroon siya ng “guilt” kahit hindi naman dapat.

• Hindi makatingin nang diretso sa mata ng kausap: Ito ‘yung tao na ang pakiramdam ay wala siyang kuwenta o natatakot siyang “mabasa” ang kanyang iniisip kahit wala naman siyang itinatagong kasalanan.

• Over explaining himself. Lagi siyang may mahabang paliwanag sa mga bagay-bagay kahit hindi naman hinihingi ng kausap : Walang tiwala sa sarili at may paniwala siya na hindi pinagkakatiwalaan ng ibang tao ang kanyang mga sinasabi.

• Mahilig kumuha ng mga opinyon ng ibang tao kapag may gagawing desisyon:  Noong bata pa ay madalas siyang maparusahan kahit sa isang maliit na pagkakamali. Nagkaroon siya ng takot na magkamali kaya dala-dala niya hanggang sa pagtanda ang ugaling kuhanin muna ang opinyon ng ibang tao lalo na at first time niyang susubukan ang isang bagay.

• Laging sumasang-ayon sa nakararami kahit na salungat ang opinyon niya sa mga ito: Lumaki siyang “people pleaser” dahil noong bata pa ay hindi siya nakaranas na maging favorite ng parents o adult na mga kapamilya. Kailangang sumang-ayon siya sa gusto ng ibang tao para magustuhan siya ng mga ito.

ATTITUDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with