^

Punto Mo

Nakaaaliw na ­kaalaman tungkol sa alak

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Noong bata pa ang dating U.S. President na si Teddy Roosevelt, niresetahan siya ng doktor na uminom ng whiskey at magtabako para matanggal ang asthma.

• Bago naimbento ang Champagne, ang alak na may bula at may fizzing sound kapag binuksan ang bote ay palatandaan na  panis ito.

• Sobrang siniseryoso ng ancient Babylonian ang paggawa ng beer. Kapag nahuli ang tagagawa ng beer na dinadaya ang timpla nito sa pamamagitan ng paghahalo ng tubig, siya ay pinarurusahan: nilulunod sa ginawa niyang beer o ipapainom ang lahat ng kanyang tinimpla hanggang mamatay.

• Noong unang tumakbo sa eleksiyon si George Washington, namigay siya ng alak sa 396 voters para suyuin ang mga ito. Nanalo siya dahil sa alak.

• Ipinagbawal ng Russia ang pagbebenta ng vodka noong Word War I. Ang resulta, bumaba ang kinikita ng gobyerno ng 35 percent.

• Nagsagawa ng wine taste test ang Wine Society of Texas. May tatlong alak silang ipinatikim na may label na “France”, “California” at “Texas”. Mas pinili ng nakararami ang alak na may label na “France”. Sa bandang huli, sinabi ang katotohanan na ang tatlong alak na ipinatikim ay pare-parehong “Texas”.

• Bago imbentuhin ang Coca-Cola, mayroon nang Coca Wine na may 10 percent alcohol at 8.5 percent cocaine extract. Iniindorso ito sa publiko nina Queen Victoria at Pope Leo XIII.

• Si Queen Elizabeth II ay 4 na beses umiinom ng alak araw-araw: 1) a gin before lunch, 2) a wine during lunch, 3) a dry martini with dinner, and 4) a glass of champagne following dinner.

vuukle comment

ALCOHOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with