Life story ni Jackie Chan
Last Chapter
Sumikat sa ‘Drunken Master’
ANG pinakaunang pelikula niya ay hindi kumita. Hindi rin kumita ang mga kasunod niyang mga kung fu movies. Sa mga pelikulang ginawa niya, ang mga ipinagawa sa kanya ay ang martial art style ni Bruce Lee.
Iba ang nakalakhan niyang martial art style kaya hindi siya komportable kapag ang ipinagagaya sa kanya ng director ay ang style ni Bruce Lee. Ipinipilit na ipagawa iyon sa kanya dahil siya ang ginu-groom na maging next Bruce Lee.
Dahil pilit, naging “hilaw” ang kanyang performance. Sa pagkakataong ito, sa halip na maging “next Bruce Lee”, ang naging goal niya ay maging “First Jackie Chan”.
Sa kabila ng flopsinang mga pelikula, nagpatuloy pa rin ang isang producer na igawa siya ng pelikula noong 1978— ang Snake in the Eagle’s Shadow. Binigyan siya ng kalayaan ng director na gawin ang sariling stunts sa martial art. Bukod dito, hinaluan din niya ng comedy ang kanyang kung fu moves.
Siya ang nagpauso ng tinatawag na comedic kung fu genre. Palibhasa ay fresh idea, tinanggap ito ng Hong Kong audience.
Sinundan ito ng Drunken Master na talagang nagdala kay Jackie tungo sa pagsikat. Nang magtagal ay nakasingit siya sa Hollywood. Ang pinakauna niyang Hollywood film noong 1980 ay The Big Brawl.
Ang ikalawang pelikula na ginawa niya noong 1981 ay The Cannonball Run. Maliit lang ang role niya pero kasama si Burt Reynolds na kumita ng $100 million worldwide. Iyon ang simula ng pagsikat ng kanyang bituin hindi lang sa Hong Kong kundi sa buong mundo.
Noong may kakayahan na siyang mag-produce ng sariling pelikula, nagbalik siya sa Hong Kong. Gusto niyang mag-produce ng pelikula sa sariling bayan. Mga kaklase at kaibigan sa China Academy ang isinasama niya sa pelikula.
Nagtayo siya ng iba’t ibang negosyo. Isa Roon ay pagawaan ng alahas na laging pinupuntahan ng mga first time tourists sa Hong Kong. Nagtuluy-tuloy na ang kanyang suwerte hanggang kilalanin siya na isa sa pinakamayaman sa Hong Kong.
- Latest