^

Punto Mo

Life story ni Jackie Chan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Chapter 3

Buwis-buhay na stunts:

Sa ngalan ng stardom

SA edad na 17, tuluyan nang umalis si Jackie Chan sa China Drama Academy nang magtapos siya ng training sa loob ng 10 taon. Habang nasa academy, nagkaroon na siya ng koneksiyon sa mga Chinese productions kaya kahit paano ay marami na siyang kakilala na malalapitan para mag-aplay na stuntman o plain extra.

Pero isang teknik ang naisip niya para maraming producers ang kumuha sa kanya—wala siyang tatanggihang trabaho kahit pa iyon ay delikadong stunts. Marami sa mga stuntmen ay tumatanggi kapag ang gagawing eksena ay obvious na delikado. Ito ang mga pagkakataong sinasamantala niya—siya ang nagpiprisintang gumawa ng buwis-buhay na stunts.

Sa kabila ng kanyang pagsisikap, minsan ay sinabihan siya ng director: “useless stuntman”. Hindi kasi niya nakuha kaagad ang gusto ng director. Ang sakit sa pride. Halos ikamatay niya ang eksena pero sinabihan pa siya ng “useless”.

Sa sobrang asar, gumigising siya ng 4:00 a.m. para magpraktis ng “moves” sa harap ng salamin. Hindi lang gusto niyang maging magaling, kundi maging magaling na magaling na stuntman.

Lagi niyang sinasabi sa sarili, “Huwag kang susuko. Isang araw, sisikat ka rin.”

Unti-unti, nagbunga ang mga efforts na ginawa niya. Marami nang film productions ang kumukuha sa kanya para maging stuntman. Kasi nga, kahit anong eksena ang ipagawa sa kanya ay tinatanggap niya.

Ito ang naging daan para mapalapit sa kanyang idolong si Bruce Lee. Noong una ay ka-double siya ni Bruce Lee pero nang makita ang kanyang galing sa martial arts ay kinuha siyang kaeksena sa isang kunwari ay suntukan. Kaso tinamaan siya ng suntok ng kanyang idol. Hindi masyadong masakit pero umarte-arte siya na sobrang nasaktan. Naawa si Bruce Lee. Tinuruan siya ng tamang “moves” para hindi matamaan ng suntok sa fight scenes.

Namatay si Bruce Lee noong 1973. Naisip ng isang producer na igawa si Jackie Chan ng pelikula. Ang objective ng producer ay lumikha na ikalawang “Bruce Lee” sa katauhan ni Jackie Chan.

Naging hit ba sa takilya ang pinakauna niyang pelikula?

(Itutuloy)

JACKIE CHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with