^

Punto Mo

Babaing guro sa U.K. na masakit ang taynga, natuklasang may pugad ng gagamba sa loob nito!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 29-anyos na babaing guro sa United Kingdom ang nagulantang nang malaman na ang sanhi ng pagsakit ng kanyang taynga ay mga gagamba!

Noong una, pangangati lamang ang nararamdaman ni Lucy Wild sa kanyang taynga. Sumunod nito ay ang walang tigil na tunog mahihinang paglagutok sa loob nito.

Ang akala niyang sanhi nito ay may makapal siyang tutuli pero nang gumamit siya ng electronic ear pick na may camera, saka niya natuklasan na gagamba pala ang dahilan ng mga sintomas na kanyang nararamdaman.

Tumawag sa U.K. emergency hotline na 111 si Wild upang malaman kung ano ang gagawin sa mga gagamba na nasa kanyang taynga. Binigyan si Wild ng instructions ng emergency hotline habang hinihintay ang ambulansiya, maglagay muna siya ng maligamgam na olive oil sa kanyang taynga para palabasin ang gagamba.

May isang gagambang lumabas sa taynga ni Wild at ayon dito, kasing laki ito ng kuko niya sa hinliliit. Matapos lumabas ang ga­gamba, nakaramdam siya ng pagkabingi at pagdurugo ng taynga.

Sa ospital, nakita ng mga ENT doctor na may pugad ng gagamba sa kanyang taynga at isinailalim siya sa ope­rasyon para matanggal ito.

Naging matagumpay ang operasyon at malinis na ang taynga ni Wild ngunit maituturing niya na traumatic ang operasyon at para sa kanya, mas malala pa ito sa panganganak.

 

SPIDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with