^

Punto Mo

Military missile, mahigit 100 years nakadispley sa garden sa pag-aakalang pangdekorasyon lamang ito!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DUMATING ang isang bomb squad sa isang residential area sa U.K. matapos matuklasan na ang inakalang dekorasyon sa garden ng isang bahay ay live military bomb mula sa 19th century!

Ayon sa may-ari ng tahanan na si Jeffrey Edwards, 41 years na siyang naninirahan sa kanilang bahay sa Milford Haven, Pembrokeshire, Wales. Ang missile ay naratnan na niyang nakadispley sa garden noong binili nila ang bahay.

Noong bagong lipat pa lang sila dito, tinanong ni Edwards ang previous owner ng bahay na si Pop Morris tungkol sa missile. Ikinuwento ni Morris na napulot niya ang missile sa isang beach at ginawang display sa kanilang garden sa pag-aakalang isa itong “inert missile” o hindi sumasabog na missile.

Nito lamang nakaraang buwan, may isang police officer na nagsabi sa mga Edwards na gustong ipainspeksyon ng Ministry of Defense ang missile. Sa tulong ng isang bomb squad, napatunayan na ang missile ay aktibo pa ngunit mayroon na lamang itong small charge. Dinala ito sa isang quarry at doon dinetonate.

Sa panayam sa mga o­pisyal ng Ministry of Defense, ang missile ay isang 64 pound “naval projectile” na nagmula sa isang British warship noong 1880 hanggang 1890.

Ayon kay Edwards, mami-miss niya ang dekorasyon sa kanilang garden pero masaya na rin siya na ligtas at hindi ito sumabog habang nasa kanilang property.

MISSILE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with