^

Punto Mo

EDITORYAL – Dumadanak ang dugo

Pang-masa
EDITORYAL – Dumadanak ang dugo

MAS magulo pa ang idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kaysa sa national elections noong Mayo 2022. Sa ulat ng ­Philippine National Police (PNP) umabot na sa 22 ang namatay na may kaugnayan sa gaganaping election sa Lunes (Oktubre 30).

Pinakabagong naitalang karahasan ay naganap sa Cotabato City noong Lunes, kung saan tatlo ang namatay makaraang pagbabarilin ng 10 armadong kalalakihan. Dalawa sa namatay ay kandidato sa pagka-barangay kagawad. Nagkakabit ang mga biktima ng campaign posters nang pagbabarilin. Nakilala ang mga napatay na sina Nur-Moqtadir Butucan, Alfar Sing Ayunan at Faisal Abas. Sina Butucan at Ayunan ay mga kandidato sa pagka-barangay kagawad. Naaresto naman ang 10 suspek kabilang ang mastermind umano na si Juhalidin Ladesla Abdul, kandidato sa pagka-barangay chairman at Police Master Sgt. Pauti Dianal Mamalapat. Nasamsam sa kanila ang mga baril.

Sa Davao de Oro, pinatay ang kandidato sa pagka-barangay chairman na si Alvin Garcia habang nasugatan ang kasama niyang babae. Magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima nang pagbabarilin ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo. Personal na alitan ang motibo ng pamamaril.

Magulo rin sa Abra na itinuturing ng PNP na “hotspots” sa BSKE. Noong Oktubre 18, isang kandidato sa pagka-barangay councilman sa Bucay, Abra ang pinagbabaril hanggang mapatay. Kalaban umano sa kandidatura ang suspect. Hindi pa nahuhuli ang salarin.

Ang nangyayaring kaguluhan sa Abra ang dahilan kaya maraming kandidato ang umaatras sa kandidatura. Ayon sa Commisssion on Elections umabot na sa 250 kandidato sa BSKE ang umatras. Sisiyasatin umano ng Comelec ang sitwasyon kung bakit umaatras ang mga kandidato. Sabi naman ng PNP-Cordillera, wala namang pananakot na nagaganap sa probinsiya at tahimik sa lugar.

Namamayani ang karahasan habang palapit ang BSKE. Dumadanak ang dugo. Malaki ang kaugnayan ng mga nagkalat na bari na hindi kayang samsamin ng PNP. Halos lahat ng mga pagpatay, baril ang ginamit. At nakapagtataka na walang lead ang pulisya kung saan nanggagaling ang mga baril. Bigo rin ang PNP na malansag ang private army ng mga pulitiko. Naghahasik sila ng takot. Ang mga kaguluhan sa Abra, Maguindanao, Cotabato at iba pang probinsiya ay dahil sa pamamayani ng private army ng pulitiko. Hindi nakapagtataka kung may mga umatras sa election.

Sabi ng PNP nakahanda sila sa pagpapanatili ng kaayusan sa darating na election. Nakakalat na umano ang mga pulis para masigurong walang mangyayaring kaguluhan. Patunayan ito. Pawiin ang agam-agam ng mamamayan.

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with