2 dayuhang wanted timbog sa BI
MANILA, Philippines — Nahuli ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa magkahiwalay na operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang Koreano at isang Chinese na kabilang sa listahan ng mga wanted fugitives ng Interpol.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, sina Li Su Bin, na isang Koreano at Yao Bin, na Chinese ay hinarang ng mga tauhan ng BI sa kanilang mga biyahe sa South Korea at Malaysia matapos lumabas na positibo ang kanilang mga pangalan sa database ng BI ng mga taong may Interpol red notices.
Ayon kay Viado, pinayagan na ring makasakay si Li Su Bin, isang Koreanong pasahero, matapos ipaalam ng mga opisyal ng BI sa kanilang mga counterpart sa Seoul ang pagdating nito. Dinakip si Li ng mga pulis sa Korea pagdating niya sa Incheon Airport.
Si Li ay wanted sa Seoul dahil sa pagkakasangkot sa isang investment scam.
Samantala, si Yao Bin ay hindi pinayagang makaalis ng bansa at kasalukuyang nakakulong sa pasilidad ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang isinasagawa ang proseso ng deportasyon.
Si Yao ay miyembro ng isang cybercrime syndicate na nagpapatakbo ng mga website sa pagsusugal. Ang nasabing mga website ay umano’y nangalap ng mahigit 260,000 Chinese customers na tumaya sa resulta ng mga pandaigdigang sports competition na may kabuuang pusta na umabot sa mahigit 2 bilyong yuan o higit US$276 milyon.
Nagsilbi si Yao bilang promotions at customer
- Latest